Sharon Cuneta (main picture) doesn't blame her daughter KC Concepcion (inset) for going public about her breakup with Piolo Pascual.

"Hindi maiwasan yung lumalabas ngayon si KC. Di ba medyo may interview siya na lumalabas na umiiyak daw yung anak ko? Hindi maiwasan na gano'n kasi...from the beginning in-involve nila yung mga tao nung inamin niya [Piolo], di ba?" says the Megastar.

 

 

Photo: Nerisa Almo & Noel Orsal

Sa Part 2 ng tell-all interview ni Cristy Fermin kay Sharon Cuneta sa Paparazzi Showbiz Exposed kanina, November 27, kasunod namang inusisa ang tungkol sa kanyang mga anak.

Sagot ni Sharon, "Si Miguel ay best friend niya si Frankie. Love niya yung mga ate niya.

"Si Miel, kasi mas malapit sa edad niya, pero dahil malapit, sila rin yung laging medyo may banggaan.

"Parehong bunso...Si Miel, mama's girl, so pag lumalapit na, dapat nakadikit siya sa akin," sabay tawa ni Sharon.

FRANKIE, MIEL AND MIGUEL. So may kumpetisyon kaya sa kanyang dalawang bulilit?

Sagot niya, "Super! Pero very loving pa rin si Miel towards [Miguel] at mahal niya si Miel.

"Tapos si KC pag dumadalaw, nagpapasikat siya...tatakbo siya yayakap siya talagang ganyan.

"Tapos kung anu-anong lahat ng alam niyang gawin, ipapakita niya.

"Pasikat. Performer. Nakakatuwa. Ang talino, Diyos ko!"

Sinikap daw ni Sharon na lumaki ang mga anak nila ni Senator Francis Pangilinan na walang yabang sa katawan.

Paliwanag ni Sharon, "Minsan pag sa, 'I am the daughter of ganyan,' kasi inosente, sinasabihan ko, 'That's not nice! Don't say that!'

"Yung mga ganon...Siguro hindi pa nila alam na kasi, nasa showbiz ka, medyo kilala ka.

"Ang feeling nila basta lumabas sa TV mommy ko...proud [sila].

"Di nila alam yung ibang trabaho mo. Pero, ano, ayoko lang nung mayabang so lagi kong pinapaalala.

"Iba yung confident, iba yung conceited," paliwanag ni Sharon.