Desidido na si Mo Twister na lisanin ang Pilipinas at iwan na ang kanyang showbiz career.
Una niyang inihayag ang balak niyang ito sa late-night showbiz talk show ng TV5, ang Juicy, noong Nobyembre 22. (CLICK HERE to read related story.)
Pero ginawa niya ang kanyang pormal na pamamaalam sa Sunday showbiz talk show ng TV, ang Paparazzi Showbiz Exposed, kahapon, Nobyembre 27.
SIMPLE GOODBYE. Sa opening pa lang ng Paparazzi—kasama ang co-hosts niyang sina Cristy Fermin, Ruffa Gutierrez, at Zoren Legaspi—kaagad na nagpahiwatig si Mo tungkol sa kanyang pamamaalam sa ginawa niyang pagbati sa viewers.
Ayon kay Mo, "Good afternoon Paparazzi people! For the last time I'll say that sa inyong lahat.
"Ngayon pa lang nagsisimula na akong i-miss kayong lahat.
"Of course, Dolly [Anne Carvajal] is not here, maybe I'll call her na lang.
"Basta let's make this episode special para sa ating lahat.
"Ayoko ng mga fireworks o pasabog o any negative vibes.
"Gusto ko simple goodbye na lang."
Tanong ni Cristy kay Mo: "Ano ito, galing sa puso mo, gagawin mo talaga? Mawawala ka rito at tatalikuran mo ang industriya?"
Sagot ni Mo, "I'll be honest. Nababasa n'yo naman sa Twitter ko kung pina-follow n'yo ako at sa mga press na nagtatanong sa akin.
"Yeah, this is it. This is my final few days dito sa Pilipinas.
"Ako ay magha-hibernate sa ibang bansa mag-isa."
Napag-alaman naman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) mula mismo kay Mo na sa Miyerkules, Nobyembre 30, siya naka-schedule umalis patungong Amerika.




1

