Ai-Ai delas Alas compares Vic Sotto and Robin Padilla: "Kay Bossing, puro respeto at crush. 'Yong kay Robin, makamundong pagnanasa 'yong naramdaman ko sa kanya!"

Ruben Marasigan
Monday, November 28, 2011 @ 02:44PM  |  878 views

 

Ai-Ai delas Alas on leading man Vic Sotto: "Di ba, crush ko si Bossing?  And no'ng birthday ko kasi, pumunta siya. Ang pogi-pogi niya! Sabi ko, 'yong lahat ng paghanga at crush ko sa kanya, nabuo na lang ng sobrang paghanga dahil ang pogi-pogi talaga niya no'ng birthday ko. Talagang matutulala ka na, 'Ay, dyusko, ang pogi naman ni Vic Sotto!'"

Photo By: Noel Orsal













November 11 ang mismong ika-47 na kaarawan ni Ai-Ai delas Alas. 

Pero kahapon, November 27, nagkaroon siya ng isang post-birthday celebration para sa entertainment press na ginanap sa Naci restaurant sa Greenhills, San Juan.

Pagkadating pa lang ni Ai-Ai, napalibutan na agad siya ng unang grupo ng mga reporters na nag-interview sa kanya. 

Ang isa sa nakakaintrigang naging paksa ng nasabing panayam ay ang fling na namagitan sa kanila ni Robin Padilla nang gumawa sila ng pelikula—ang Ikaw Pa Rin: Bongga Ka Boy! ng Viva Films noong 2008.

Sabi ni Ai-Ai, kaya raw siguro nag-flop ang pelikulang pinagtambalan nila ng action superstar ay dahil sa may nangyaring "tikiman" sa kanilang dalawa. 

"Noon pa naman 'yon! Umaamin naman ako kapag matagal na!" napabungisngis na sabi ni Ai-Ai nang makakuwentuhan na siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Hindi ba niya naisip na baka dahil do'n ay mawindang ang misis ngayon ni Robin na si Mariel Rodriguez?

"Dyusko, ang tagal-tagal na no'n! Move on!" sabay tawa ni Ai-Ai. 

VIC SOTTO. Sila ni Vic Sotto ay may pelikula ngayon—ang Metro Manila Film Festival 2011 entry na Enteng Ng Ina Mo.

Baka isipin ng iba, may nangyari rin sa kanila ni Bossing sa panahong sinu-shoot nila ang pelikula.  

"Ay, wala! Malinis po ako," mabilis na sabi ni Ai-Ai.

Pero aminado siyang "ultimate crush" niya si Vic, di ba?

"Oo. Pero malinis po ako.

"Huwag na lang 'yong tikiman na ganyan. Baka malasin pa ang movie namin!" tawa niya.

Dagdag ni Ai-Ai, "Okey na 'yon na gano'n...paghanga na lang kay Bossing. 

1  2  3  4  5  6  7  Next »

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name