Toni Gonzaga gets emotional during interview with Joey de Leon

Ruben Marasigan
Monday, November 28, 2011 @ 03:33PM  |  112859 views

 

Toni Gonzaga on the possibility of transferring to another network: "Alam mo, isa lang ang natutunan ko dito sa industriyang ito—na hindi mo maipapangako ang loyalty mo sa kahit na anong istasyon at kahit anong programa. Ang loyalty ko ay nasa pamilya ko. Kasi, at the end of the day, showbiz industry...this will all come and go—'yong kasikatan o 'yong karangyaan.  Pero ang maiiwan sa lahat, 'yong pamilya mo. Kaya kung saan masaya ang pamilya ko, kung saan nila gusto para sa akin, do'n ako."

Photo By: Noel Orsal













Napakasarap daw ng pakiramdam ni Toni Gonzaga dahil sa kanyang panalo bilang Best Female TV Host sa nakaraang 25th Star Awards For Television ng Philippine Movie Press Club (PMPC).

Nanalo si Toni para sa ASAP Rocks.

Masayang-masaya siya na mabigyan ng recognition sa larangan ng TV hosting kung saan siya natuto at nahasa nang husto.

"Isang malaking karangalan iyon para sa akin," ani Toni nang makakuwentuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa The Buzz kahapon, November 27.

INTERVIEW WITH JOEY DE LEON. Nakausap ng PEP si Toni pagkatapos niyang ma-interview nang live si Joey de Leon, na first time nag-guest sa The Buzz para mag-promote ng pelikulang Won't Last A Day Without You nina Sarah Geronimo at Gerald Anderson.

Ginagampanan ni Joey sa naturang pelikula ang papel bilang ama ni Sarah.

Dati namang magkasama sina Toni at Joey sa Eat Bulaga! bago lumipat ang TV host-actress sa ABS-CBN.

Sa umpisa pa lang ng panayam niya kay Joey ay naiiyak na si Toni. Bakit nga ba siya emotional sa paghaharap nilang iyon?

Paliwanag ni Toni, "Kasi, hindi ko naman akalain na darating ang araw na mai-interview ko siya, e. At magkakasama ulit kami sa iisang entablado."

Inamin ni Toni na noong umalis siya sa Eat Bulaga! at lumipat sa ABS-CBN, iniyakan niya na nagalit sa kanya si Joey. 

Paano ba nagalit sa kanya ang veteran comedian-TV host noong mga panahong yun?

"Hindi...Sinabi naman sa akin ni Ate Ruby [Rodriguez, isa sa mga co-host sa Eat Bulaga!] na, 'Hindi naman talaga galit sa 'yo si Tito Joey, inaasar ka lang no'n.'

"Na siyempre raw, sa loob-loob ni Tito Joey, masaya siya na malayo pa ang puwede kong marating. 

"Na...nangyari naman. Nakarating ako dito sa Mother Ignacia!" natawang biro ni Toni, na ang tinutukoy ay ang lugar kung nasaan ang ABS-CBN compound.

Kung sabagay, nasabi rin ni Joey na kung hindi umalis si Toni sa Eat Bulaga! para lumipat sa Kapamilya network ay baka wala siya sa kanyang estado ngayon bilang si Toni Gonzaga.

1  2  3  4  5  Next »

Related Articles

16 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name