"Lahat ng mga pinagdaanan ko dati, kahit na nasaktan man ako, worth it lahat yun. Kasi, kahit nangyari yun sa akin, ang dami pa rin nandiyan na nagparamdam na hindi naman ako masamang tao," says new mom Andi Eigenmann.

Photo: Noel Orsal

Karga-karga ni Andi Eigenmann ang anak na si Adrianna Gabriellie sa kanyang hospital room nang makapanayam siya ng The Buzz kahapon, November 27.

Ikinuwento ni Andi ang kanyang panganganak at kung bakit siya kinailangang sumailalim sa Caesarean operation.

Ayon kay Andi, "My doctor said I have to deliver my baby through a Caesarean [delivery] because I might not have enough time to go [into] labor.

"Tapos, true enough, I was told na meron siyang cord coil kaya ayaw niyang bumaba.

"Luckily, I said yes."

Eksaktong 5:02 p.m. noong November 23 isinilang ni Andi si Adrianna Gabriellie na may timbang na 7.8 lbs.

Dahil naka-general anesthesia siya, hindi raw namalayan ni Andi na inilalabas na pala ang baby niya sa kanyang sinapupunan.

Kuwento niya, "Nakapikit lang ako. Tapos numb yung feeling. 

"Akala ko, nagpi-prepare pa lang sila. Nararamdaman ko pa ang pag-touch nila sa tiyan ko.

"Tapos, maya-maya, lumabas na yung baby.

"Yun pala, yun na yun. Wala akong na-feel. 

"Tapos noong ipinatong siya sa akin, yun, naiyak na ako."

Nakikita ba niya ang mukha niya sa anak? Ang mukha ng Eigenmann?

"Oo naman," mabilis na sagot ng young actress.

"Face ko lang, 'no? Walang iba. Sa side ko lang 'yan."