Joey de Leon visits The Buzz for an interview with former Eat Bulaga! co-host Toni Gonzaga

Rose Garcia
Monday, November 28, 2011 @ 05:11PM  |  219295 views

 

Toni Gonzaga to Joey de Leon: "Alam n'yo po, every time na magkakaroon ako ng award, like Best Female TV Host, palagi kong iniisip na hindi ko naman matututuhan ang lahat ng natutunan ko sa hosting, kung hindi ko yun na-witness firsthand sa 'yo. Alam n'yo, mabibilang ko ho ang sarili ko sa isa sa masuwerte sa henerasyon na ito na nakatrabaho ang isang Joey de Leon, dahil iba."

Photo By: Noel Orsal













"Never in my wildest dreams na inakala [kong] mangyayari ang araw na ito. Live na live! It's my first time na ma-experience ito. Let's give our grand welcome para sa nag-iisang Joey de Leon!"

Ito ang buong-ningning at ma-emosyunal na introduction ni Toni Gonzaga sa dating kasamahan sa Eat Bulaga! na si Joey de Leon.

Nag-live guest appearance si Joey sa The Buzz kahapon, November 27.

Ito ang unang pagkakataon na nag-guest sa The Buzz ang J sa pamosong TVJ—Tito Vic & Joey—ng Eat Bulaga! 

Pero nauna na siyang nag-guest sa isa pang programa ng ABS-CBN, ang Kris TV ni Kris Aquino, noong nakaraang linggo.

Ito ay kaugnay ng promotion para sa pelikulang Won't Last A Day Without You ng Star Cinema at Viva Films.

Ginagampanan ni Joey rito ang papel na ama ni Sarah Geronimo.

CLEARING THE AIR. Pagpasok pa lang ni Joey sa gitna ng palakpakan at sigawan ng mga tao sa loob ng studio, nakangiting nagpasakalye na ito: "Anong kaguluhan ito?"

Pagkatapos ay iniabot niya kay Toni ang isang bag, sabay birong, "May dala akong Hermes sa 'yo."

Ang laman pala ng bag ay ang commemorative book ng Eat Bulaga!, ang noontime show ng GMA-7 na dating kinabibilangan ni Toni.

Pagbukas ni Toni ng libro, nakita nito sa inside front cover ang isang pirmadong message para sa kanya.

At sa pinabuksan na page ni Joey kay Toni, nandoon ang picture ni Toni kasama ang buong Dabarkads ng Eat Bulaga!.

Hindi napigilan ni Toni ang mapaiyak pagkakita sa picture niya.

Biro naman ni Joey sa kanya, "O, bakit umiiyak ka?"

Sa pagitan ng pag-iyak, sinagot ito ni Toni ng: "E, kasi galit ka sa akin...Hindi ka na galit sa akin?"

1  2  3  4  5  6  7  8  9  10  11  Next »

Related Articles

54 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name