Ang pinakamainit na isyung pinag-uusapan ngayon sa loob at labas ng showbiz ay ang pag-amin ni KC Concepcion na break na sila ni Piolo Pascual.
Lalo pang naging maintriga ang tungkol dito dahil hindi direktang tinukoy ni KC ang dahilan ng paghihiwalay nila ng aktor.
(CLICK HERE to read related story.)
Hanggang sa Kapitolyo ng Batangas City kahapon, November 28, pagkatapos ng presscon para sa 8-day celebration ng 433rd foundation ng lalawigan ng Batangas, ay napag-usapan din ito.
Pati nga si Governor Vilma Santos ay hindi nakaiwas na matanong tungkol dito ng entertainment press na dumalaw sa kanya.
Pareho kasing malapit si Ate Vi kina KC at Piolo.
Si KC ay anak ng kaibigan ni Governor Vi na si Sharon Cuneta, samantalang si Piolo naman ay gumanap na panganay niyang anak sa pelikulang Dekada '70 (2002).
"Shocked! Pero ayokong humalo sa gulo!" natatawang sabi ni Ate Vi nang hingin ang reaksiyon niya tungkol sa breakup nina KC at Piolo.
Pero kung nagkataong anak niya si KC, how would she feel?
"You know, it's a different thing kasi kapag ang anak mo babae.
"Kasi lalake 'yong akin, e," pagtukoy ng Star For All Seasons, na may dalawang anak na lalake—sina Luis Manzano at Ryan Christian Recto.
Dagdag pa niya, "Kapag babae, mas doble affected ang nanay siyempre. Kasi, iba ang babae, e.
"I felt that she [KC] was really hurt.
"But I know, definitely, hindi siya pababayaan ni Shawie.
"But I could see she was definitely hurt."




0

