Matapos ang dalawang linggong pagbabakasyon sa Thailand at Malaysia—kung saan siya nag-celebrate ng kanyang birthday kasama ang asawang si Senator Ralph Recto at bunsong anak na si Ryan Christian—back to work na naman si Vilma Santos bilang governor ng Batangas.
Hindi nga halos magkandaugaga ang aktres bilang punong-abala sa walong araw na selebrasyon ng 433rd foundation day ng Batangas na gaganapin this year sa Calaca—ang host town ng nabanggit na event.
THE HEALING. Dahil dito at sa iba pa niyang kompromiso bilang governor ng Batangas, hindi raw kaagad-agad makakapag-shooting ulit si Ate Vi sa movie nila ni Kim Chiu—ang The Healing ng Star Cinema.
"Bago ako umalis, nag-one day shooting ako. Inabot kami ng mga 2 a.m.," banggit ng actress-politician sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press na bumisita sa kanya sa Kapitolyo ng Batangas kahapon, November 28.
Patuloy niya, "Pero itong balik ko, nakiusap ako.
"Nakipag-meeting muna ako kina Malou [Santos ng Star Cinema] na baka pupuwedeng 'yong sa akin [mga eksena niya], first quarter ko na next year i-resume.
"Kasi, ang dami kong activities na inaasikaso.
"Papasok na itong foundation day celebration ng Batangas, tapos may Christmas party [sa Kapitolyo].
"Pero sila, 'yong mga hindi ko ka-eksena, tuluy-tuloy ang shooting nila.
"'Yong sa akin ang magre-resume first quarter of next year.
"Ang target, March or April, sana matapos na 'yong movie.
"And ang gusto nina Malou, makagawa pa ako ng isa.
"Kasi, I think, parang Star Cinema will work on something para sa 50th anniversary ko sa show business by next year.
"Na parang may book launching, may show to celebrate my golden year sa showbiz.
"Kasi nine years old ako nagsimulang mag-artista.




0

