Angelica Panganiban on being recognized as a comedy actress: "I'm sure, may mga pangilan-ngilan nami-miss din akong umiyak or makitang nang-aapi or inaapi. So, nakakatuwa lang talaga. Hindi ko akalain na noong bata ako, makakatanggap ako ng award bilang isang komedyante."

Photo: Noel Orsal

"Siguro, hindi rin ako mahilig mag-judge na kapag nakipagkuwentuhan, 'A, ganoon pala, mabait pala.'

"Pero magaan, magaan ang loob namin sa isa't isa."

Pero kung anuman ang naging isyu nila noon, definitely, wala na raw yun ngayon.

Sabi pa ni Angelica, "Hindi ko naman tatanggapin ang isang role, or yung Alta, kung alam ko na hindi pa rin kami magiging kumportable sa isa't isa.

"At saka, kapag may mga okasyon naman, binabati naman namin ang isa't isa. 

"Like noong birthday ko, nag-text siya."