"So, sa isang salita, masaya ako kung nasaan ako, di ba?
"Basta, ayoko lang siguro ng masyadong personal.
"At mali ang timing para kausapin ko si Derek about do'n dahil hindi masyadong maganda ang lagay niya sa ospital dahil sa operation niya."
DEREK'S INJURY. Naoperahan si Derek sa kanyang left arm. Nagkaroon kasi ng bone fracture si Derek during one of his frisbee tournaments.
Kuwento ni Angelica, naiyak siya nang makita niya ang X-ray ng arm ni Derek na talagang nagkahiwa-hiwalay ang buto nito.
Marami nang natamong injury si Derek sa paglalaro niya ng extreme sports, pero para kay Angelica, ito ang pinakagrabeng sinapit ng boyfriend.
Bakit siya naiyak nang makita ang X-ray ni Derek?
"E, kasi siguro, five years ko na siyang boyfriend, tapos palaging kapag may tournament siyang sasalihan, alam ko na 'yan, may mangyayari sa kanya.
"Kung hindi matanggalan ng kuko, masugatan, puro galos...masunog ang balat sa araw.
"Ito talaga yung...Noong itinawag nga sa akin na nasa ospital, sabi ko, 'Ay naku, 'eto na naman, ospital na naman.'"
Ang British father ni Derek ang tumawag kay Angelica upang ipaalam na naospital ang kanyang kasintahan.
Sabi ng Kapamilya actress, "Hindi niya sinasagot ang tawag ko kasi nga, alam niya siguro na mainit ang ulo ko.
"Tapos, yung daddy niya ang tumawag sa akin."
Dahil ba sa nangyari ay titigil na si Derek sa extreme sports nito?
Sabi ni Angelica, "Well, sa kanya galing na tapos na, ayaw na niya.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
24 Angelle705
23 gibraltar
22 flattener7
21 BHADE
20 galaxyuniv
19 puckerlips143
18 diane84
17 beautifulgaga_07
16 merlion_25
15 bus_stop
14 washdckami
13 misstoe
12 grinandgiggles
11 nice143
10 shidax
9 kiwipinay
8 bhellyposh
7 malaya2007
6 joanakulet
5 meganontalaga
more comments