Boy Abunda on being elevated to the Hall of Fame at the Star Awards for TV: "You know, it's not something like I'm going to retire after the 15 trophies for 15 consecutive years. It's exciting. Pero nakaka...of course it's flattering. Na parang kapag tinitingnan mo, when you look back, parang...with humility, parang 'Did I do it? Paano ko ba nagawa iyon?'"

Photo: Noel Orsal

Si Boy Abunda ang nagsagawa ng tell-all interview kay KC Concepcion na umere sa The Buzz noong Linggo, Nobyembre 27.

Sa naturang interview inamin ng anak nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion na break na sila ni Piolo Pascual. 

Pero lalong nakapagpaapoy ng kontrobresiya sa hiwalayan nina KC at Piolo ang hindi pagsabi ng young actress-TV host ng tunay na dahilan ng kanilang split up.

Dahil dito, maraming naiwang katanungan, katulad ng kung ano ang ibig ipahiwatig ni KC sa kanyang mga pahayag.

(CLICK HERE to read related story.)

HONORING THEIR PAIN. Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Boy, tinanong namin kung ano ang naging pakiramdam niya habang isinasagawa ang interview kay KC.

Saad ng veteran TV host, "Ako, kapag nag-i-interview ako, nagre-reasearch ako [before] I ask my questions.

"And...nalulungkot ako. Any kind of separation is malungkot.

"Any kind of separation, 'ika nga, in quotes, is bloody.

"There is no separation that is a smiling goodbye.

"Although there are separations like, a...halimbawa 'yong kay Demi Moore [at Ashton Kutcher] na napakadisente nila. 

"They announced the separation nang magkatabi. Ang galing, 'no?

"Uhm...pero masakit pa rin. Masakit pa rin.

"And it takes two to tango..."