Boy Abunda on being elevated to the Hall of Fame at the Star Awards for TV: "You know, it's not something like I'm going to retire after the 15 trophies for 15 consecutive years. It's exciting. Pero nakaka...of course it's flattering. Na parang kapag tinitingnan mo, when you look back, parang...with humility, parang 'Did I do it? Paano ko ba nagawa iyon?'"

Photo: Noel Orsal

"But, bukas kami para kay PJ [palayaw ni Piolo]," diin ni Boy.

HALL OF FAME. Sa 25th Star Awards For Television ng Philippine Movie Press Club (PMPC) ay ginawaran na ng Hall Of Fame Award si Boy. 

Ito ay kaugnay ng 15 consecutive years ng pagkapanalo niya as Best Showbiz Talk Show Host. 

Siyempre pa, nag-uumapaw ang kaligayahan niya dahil dito.

Ani Boy, "Sabi ko nga, the best is yet to come. 

"You know, it's not something like I'm going to retire after the 15 trophies for 15 consecutive years.

"It's exciting. Pero nakaka...of course it's flattering. 

"Na parang kapag tinitingnan mo, when you look back, parang...with humility, parang 'Did I do it? Paano ko ba nagawa iyon?'

"Kasi hindi ka naman nagbibilang na...Last year actually, do'n ko lang naramdaman na, 'Ay, naka-15 [trophies na ako]!'

"This is the best about Star Awards. 

"Kasi ang kanilang Hall of Fame is hard. You have to win it 15...consecutive years! 

"Kapag naputol, magbibilang ka na naman ng 15.

"Di ba, nakaka-excite? 

"Pero no'ng nasa entablado na ako, sabi ko, 'Ano ba ito? Hindi na ako manu-nominate.'       

"But I've realized that I have other shows, like Bottom Line.