Boy Abunda on being elevated to the Hall of Fame at the Star Awards for TV: "You know, it's not something like I'm going to retire after the 15 trophies for 15 consecutive years. It's exciting. Pero nakaka...of course it's flattering. Na parang kapag tinitingnan mo, when you look back, parang...with humility, parang 'Did I do it? Paano ko ba nagawa iyon?'"

Photo: Noel Orsal

"Siya [Nora] lang ang...one of the very few na artista na nakaka-unsettle sa akin.

"Siya 'yong isa na parang, sa tinagal-tagal na ba nating...I mean, the years that I've spent in the industry have not diminished my being a fan.

"So, parang kapag pina-i-interview ako sa isang Nora Aunor, kahit na handang-handa ka, 'Saan ba ako mag-uumpisa?'" tawa niya.

Dagdag pa ni Boy, "Kulang na lang sagutin mo 'yong sarili mong tanong para sa kanya. Para hindi na siya mahirapan.

"That's how much I have remained an avid fan of Nora Aunor."

YEARS OF HOSTING. Marami raw natutunan si Boy sa panahong ginugol niya sa larangan ng TV hosting.

Ani Boy, "Una, natutunan kong magsabi ng salamat sa lahat, pati sa aking mga boss sa ABS-CBN, sa mga artista at advertisers, at sa lahat ng mga nagtitiwala sa akin.

"Nag-umpisa ako sa negosyong ito na wala akong alam. Hindi ako marunong mag-host. 

"Dahil wala naman talagang libro na nagtuturo o eskuwelahan kung paano mag-host.

"Kaya inaral ko ito. Nagbasa ako. Nagtanong.

"And I discovered na nobody really does it alone. Nobody does it alone.

"Not everybody is nice in the industry. Pero naniniwala ako na mas marami ang mabuting tao kesa sa hindi.

"And it takes a lot of courage to listen to the voices of people who don't like you. 

"But even more courage to be grateful to those who are kind to you at all times.

"I promise, I will continue to listen, to learn, and to search, and thank God."