Garrie Concepcion joins showbiz; admits she's closer to half-sister KC than their dad Gabby

Rey Pumaloy
Wednesday, November 30, 2011 @ 10:07PM  |  166901 views

 

Garrie Concepcion (in photo) about sister KC's breakup with Piolo Pascual: "Di ba, she did say no'ng Sunday na hindi niya masabi kahit kanino [ang reason], totoo yun. Ako kasi, I'm the type na hangga't hindi nagsasalita ang ate ko, hindi ako magtatanong. So, I wait for her na magsalita."

 

Photo By: Noel Orsal













Tuluyan nang pinasok ng isa pang anak ni Gabby Concepcion na si Garrie Concepcion ang mundo ng showbiz.

Si Garrie ay anak ni Gabby sa dati nitong karelasyon na si Grace Ibuna.

Ang pagkanta ang gustong tahaking career ni Garrie sa showbiz.

Kaugnay nito, lalabas na ang self-titled album ni Garrie sa Star Records, kung saan nakapaloob ang carrier single niyang "Relaks Lang Tayo."

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), napag-alaman naming nagtapos muna siya ng kursong Hotel, Restaurant, and Institution Management sa La Salle College of St. Benilde. 

Ito raw kasi ang pangako niya sa kanyang ina.

Bagamat nag-guest na rin noon si Garrie sa ilang showbiz-oriented talk shows at gumawa ng production numbers sa dating musical show ng GMA-7 na SOP, wala raw talaga sa priority nito ang mag-full time sa showbiz noon.

Paliwanag ni Garrie, "Dahil sa school talaga. 

"Siguro iniisip namin no'ng time na yun na hindi pa in God's time for me na mag-showbiz.

"Hinintay lang talaga namin na maka-graduate. Saka timing lang talaga.

"Singing ang matagal ko nang gustong gawin."

Bakit pagkanta ang pinasukan niya at hindi pag-arte?

"Three years old pa lang ako kumakanta na ako, hilig ko talaga," sabi niya.

RELATIONSHIP WITH HER DAD. Suportado naman daw ng Papa Gabby niya ang pagpasok ni Garrie sa showbiz. Pero noong una ayaw raw ng kanyang ama na pasukin niya ang mundong ito.

Ayon kay Garrie, "Honestly po kasi si Papa, as much as possible, ayaw niyang mag-join yung mga anak niya sa showbiz. He has reasons.

1  2  3  4  5  6  7  8  9  10  11  Next »

Related Articles

51 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name