Tapos nang kunan ang mga natitirang eksena ng primetime series na Nasaan Ka Elisa? ng ABS-CBN.
Pero aabutin pa ang airing nito hanggang January 2012.
Masuwerte ang isa sa cast ng serye na si Joem Bascon dahil mayroon na siya kaagad kasunod na serye.
Ito ay ang Walang Hanggan na pagbibidahan nina Coco Martin, Richard Gomez, Dawn Zulueta, Helen Gamboa, Julia Montes, Melissa Ricks, Paulo Avelino, at Susan Roces.
Sabi nga ni Joem sa interview sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa launching ng librong Si Amapola Sa 65 na Kabanata ni Ricky Lee noong Linggo, Nobyembre 27, magpapahinga lang siya saglit at sasalang na naman siya para sa bago niyang serye.
Sa pagkakaalam ni Joem, sasalang siya sa taping ng Walang Hanggan sa ikalawang linggo ng December kaya hindi na siya lalayo pa sa Pasko.
Sa resthouse na lang daw nila sa Antipolo siya magdadaos ng Kapaskuhan kasama ang kanyang pamilya.
Bukod sa Walang Hanggan, nakatakda rin niyang gawin ang pelikulang Migrante ni Joel Lamangan.
PAST RELATIONSHIP. Mahigit isang taon na ang nakalilipas mula nang mag-break si Joem at ang aktres na si Meryll Soriano.
Mula raw nang maghiwalay sila ni Meryll, hindi na sila nag-usap nito.
Ayon kay Joem, "Wala na. Kasi siguro yun ang napag-usapan na kapag wala na kami, huwag muna kaming mag-usap...parang gano'n 'ata."
Bagamat matagal nang tapos ang kanilang relasyon, hanggang ngayon ay marami pa rin ang nagtataka sa biglaang breakup nila ni Meryll.
Ano nga ba ang dahilan ng breakup nila noon ng aktres?
Paliwanag ni Joem, "May mga bagay kasi na ano, e, hindi nagtutugma.
"So, you have to...alam mo yun?




0

