PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Joem Bascon admits missing the company of ex-girlfriend Meryll Soriano; shrugs off rumor linking him to his manager-director

Joem wants to be more than just a Piolo Pascual look-alike.
by Rey Pumaloy
Published Dec 1, 2011
Joem Bascon on gender issue: "Given na yun sa industry na magkaroon ng isyung ganito, lalo sa mga lalake. Ako nga, natsismis na bading. Ang daming tanong sa akin. May mga lumalabas nga raw sa mga blogs na I'm gay, pumapatol raw ako. May kasama raw akong gay. Sabi ko, hindi naman. Hindi naman yun ang ano ko."

Tapos nang kunan ang mga natitirang eksena ng primetime series na Nasaan Ka Elisa? ng ABS-CBN.

Pero aabutin pa ang airing nito hanggang January 2012.

Masuwerte ang isa sa cast ng serye na si Joem Bascon dahil mayroon na siya kaagad kasunod na serye.

Ito ay ang Walang Hanggan na pagbibidahan nina Coco Martin, Richard Gomez, Dawn Zulueta, Helen Gamboa, Julia Montes, Melissa Ricks, Paulo Avelino, at Susan Roces.

Sabi nga ni Joem sa interview sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa launching ng librong Si Amapola Sa 65 na Kabanata ni Ricky Lee noong Linggo, Nobyembre 27, magpapahinga lang siya saglit at sasalang na naman siya para sa bago niyang serye.

Sa pagkakaalam ni Joem, sasalang siya sa taping ng Walang Hanggan sa ikalawang linggo ng December kaya hindi na siya lalayo pa sa Pasko.

Sa resthouse na lang daw nila sa Antipolo siya magdadaos ng Kapaskuhan kasama ang kanyang pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod sa Walang Hanggan, nakatakda rin niyang gawin ang pelikulang Migrante ni Joel Lamangan.

PAST RELATIONSHIP. Mahigit isang taon na ang nakalilipas mula nang mag-break si Joem at ang aktres na si Meryll Soriano.

Mula raw nang maghiwalay sila ni Meryll, hindi na sila nag-usap nito.

Ayon kay Joem, "Wala na. Kasi siguro yun ang napag-usapan na kapag wala na kami, huwag muna kaming mag-usap...parang gano'n 'ata."

Bagamat matagal nang tapos ang kanilang relasyon, hanggang ngayon ay marami pa rin ang nagtataka sa biglaang breakup nila ni Meryll.

Ano nga ba ang dahilan ng breakup nila noon ng aktres?

Paliwanag ni Joem, "May mga bagay kasi na ano, e, hindi nagtutugma.

"So, you have to...alam mo yun?

"Siguro hanggang doon lang, hindi natin puwedeng pilitin, e.

"Baka pag pinilit mo, mas pangit yung kalalabasan."

Ang pag-alis daw ni Meryll para mag-aral sa abroad ang isa sa dahilan ng kanilang breakup.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kasama na rin yun, it's part of the decision to let go of each other.

"Kasi, hindi talaga namin kaya yung long-distance relationship.

"Umalis siya, pero bumabalik rin siya para magbakasyon, then aalis siya uli to continue her studies."

Tumagal raw ng halos dalawang taon ang relasyon nila ni Meryll, ayon pa rin kay Joem.

Hindi rin niya maiwasang ma-miss ang dating kasintahan.

"Siguro yung company niya. Sobrang kalog yun, e.

"Nami-miss ko. Pero the whole relationship, mami-miss ko.

"Hindi naman mawawala yun e," pag-amin niya.

Pagtatapat pa ng aktor, pati sa pamilya ni Meryll ay wala na rin siyang communication.

"Kasi, ayaw mo nang maalala, e.

"Kumbaga, pag may nakita kang isang bagay, parang hangga't maaari, ayaw mo nang maalala," paliwanag niya.

CURRENT RELATIONSHIP. Hindi raw loveless ngayon si Joem dahil mayroon siyang lovelife.

"Magwa-one year na rin. Since January pa," banggit niya.

Masaya raw si Joem sa kanyang current lovelife.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Happy naman ako sa lovelife, pero puro work rin ako now.

"Hindi na siya ganun ka-priority.

"Kasi dati, parang dun lang halos umiikot yung mundo ko.

"Pero ngayon kasi, you have to focus.

"Ang dami na kasing artista. Baka mapag-iwanan tayo, kailangang sumabay.

"So, mas focus kami ngayon sa work, sa taping.

"Tumatanggap na ako ng kahit na ano, basta ma-hone lang yung craft ko, like hosting."

Halos hindi naman daw nagkakalayo ang current girlfriend niya kay Meryll.

"She's very nice, very smart. Masaya rin siyang kasama.

"She's non-showbiz, commercial model," paglalarawan niya sa kasintahan.

PIOLO PASCUAL LOOK-ALIKE. Pagdating naman sa issue na look-alike daw niya si Piolo Pascual, mukhang mas visible si Joem sa TV projects ng ABS-CBN kaysa kay Piolo.

Pero ayon kay Joem, "Hindi naman. I'm just happy na maraming work.

"Kumbaga, napatunayan ko...namin ng manager ko, ng handler ko, na at least iba talaga pag nag-focus ka."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero aminado si Joem na unti-unti na siyang naiiwan ang imahe na magkamukha sila ni Piolo.

"Oo naman. Natutuwa ako," sabi niya.

"Sa industriya, hindi ka naman tatagal kung look-alike ka lang.

"You have to [work on] your own image, yung acting mo iba.

"I'm very happy and masasabi kong blessed ako ngayong taon.

"After Noah, nung magkasama kami [ni Piolo], hanggang sa Nasaan Ka Elisa?, at eto nga yung uumpisahan ang Walang Hanggan."

Bukod sa pagiging magkamukha nila ni Piolo, nagkaroon din daw ng gender issue si Joem. Pero hindi niya ito masyadong ininda.

Saad ni Joem, "Ang natutunan ko sa industriya natin... ang isyu talaga ng isang aktor at ng artista...it's either yung gender, or may anak ka, or gay ka, or pumapatol ka sa bading.

"Pero given na yun, e. Kung paano mo na lang binring up yung sarili mo at kung ano ano yung kinalakhan mo. Kung papatulan mo ba ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So, doon na lang magkakatalo e.

"Kasi yung iba, pikon, pinapatulan nila, di ba? Kung aasarin sila.

"Given na yun sa industry na magkaroon ng isyung ganito, lalo sa mga lalake.

"Ako nga, natsismis na bading. Ang daming tanong sa akin.

"May mga lumalabas nga raw sa mga blogs na I'm gay, pumapatol raw ako. May kasama raw akong gay.

"Sabi ko, hindi naman. Hindi naman yun ang ano ko."

Minsan na rin daw naisyu si Joem sa manager-director niyang si Jerry Sineneng.

"Nanay ko yun!" bulalas ng aktor.

Hindi raw siya naapektuhan nang todo sa tsismis sa kanila ng naturang direktor.

"I feel bad in a certain way.

"I feel good, siyempre pinag-uusapan. Kumbaga, at least, I'm part of the industry na.

"Pero hindi, e. It's how you handle and answer question, kung paano mo maiiwasan para hindi ka madiin sa ganung sitwasyon."

Hindi rin daw naapektuhan ang pagkakaibigan o friendship nila ni Direk Jerry.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"No! No! Naging mag-best friend pa kami, mas naging mag-nanay,"
sabi ni Joem.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Joem Bascon on gender issue: "Given na yun sa industry na magkaroon ng isyung ganito, lalo sa mga lalake. Ako nga, natsismis na bading. Ang daming tanong sa akin. May mga lumalabas nga raw sa mga blogs na I'm gay, pumapatol raw ako. May kasama raw akong gay. Sabi ko, hindi naman. Hindi naman yun ang ano ko."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results