Maraming plano ang TV5 sa taong 2012 para kay Nora Aunor, ayon mismo sa Superstar at sa kanyang personal manager na si Boy Palma.
Bukod daw sa dalawang malaking pelikula na gagawin ni Ate Guy para sa Studio 5 (Cinemabuhay), tiyak din ang pagkakaroon ng aktres ng isang musical-variety show sa Kapatid network.
Pero ang tungkol dito'y nananangan muna sa magiging resulta ng pagpapaopera ni Nora ng kanyang vocal chords sa Boston sa January 2012.
Walang nababanggit na "what if" si Ate Guy tungkol sa naturang prospect. Positibo ang isipan niya hinggil sa tunguhin.
"May awa po ang Diyos," sabi niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).
"Pag nagkaroon ako ng boses, oo naman...tuloy 'yan [paghu-host ng TV musical show]."
Maraming fans ni Nora ang laging nag-aabang ng mga bagong balita hinggil sa mga susunod na proyekto ng kanilang idolong singer at aktres, kaya inusisa pa rin ng PEP ang mga posibilidad.
Ano kaya ang magiging format ng kanyang show—isang straight musical na may live bands, tulad ng Superstar...Beyond Time noong mid-'90s, o isang musical-variety, ala-Superstar noong '70s at '80s?
"Hindi ko pa matiyak. Mapag-uusapan ang tungkol diyan," sagot ni Ate Guy.
Gusto din ni Nora na muling makasama si German Moreno sa musical show.
Si Kuya Germs ang dati niyang co-host sa Superstar.
"Oo naman. Kung papayag si Kuya Germs [na lalabas siya sa TV5]," nakangiting wika rin ni Nora.
Identified sa GMA-7 ang veteran TV host.
JOHN RENDEZ'S RECORDING COMEBACK. Nang bisitahin namin si Nora sa kanyang bagong condo unit ay nandoon din ang comedian at rap artist na si Andrew E.
Pinag-uusapan naman ni Andrew at ng rap artist-friend ni Ate Guy na si John Rendez ang bagong recording na gagawin ni John, under Dongalo Wreckords na pag-aari ni Andrew.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
49 bignetworkwars
48 bignetworkwars
47 oneandonlygirlinmylife
46 thirstytrooper
45 thirstytrooper
44 thirstytrooper
43 utotngpinoy
42 utotngpinoy
41 utotngpinoy
40 utotngpinoy
39 pexaddict
38 pexaddict
37 LiamXY
36 yunikrose
35 alvase
34 yunikrose
33 pwedenarin
32 bignetworkwars
31 bignetworkwars
30 bignetworkwars
more comments