On his split with KC Concepcion, Piolo Pascual asks understanding from the public, "Hindi madali yung proseso. Hindi rin madali yung maraming nakaabang, maraming naghihintay, at maraming nakikialam."

Photo: Noel Orsal

Pagkatapos isawalat ni KC Concepcion ang totoong estado ng relasyon nila ni Piolo Pascual, kumalat ang balitang nagbabalak na namang lumipat ang huli sa TV5.

Isang source na taga-ABS-CBN ang nagbanggit nito sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Dagdag pa niya, usap-usapan daw ng ilang empleyado sa bakuran ng Channel 2 na ang interview ng The Buzz kay KC Concepcion ay parte raw ng "demolition job" laban sa singer-actor.

Subalit, pinabulaanan ito ni Thess Gubi, ang publicist ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN na may hawak sa career ng ex-couple.

Sa isang text message na ipanadala niya kahapon, ika-30 ng Nobyembre, sa PEP, sinabi ni Thess: "He has contract with ABS-CBN."

Hindi na rin daw siya nagulat sa balita, dahil may ilang miyembro na rin ng press na nagtanong na sa kanya.

At muli, binigyang-diin nito: "He's very much a Kapamilya."

Enero ng taong ito noong unang lumabas ang mga report tungkol sa paglipat ni Piolo.

Sa datos na nakalap na PEP, ang aktor daw ang kumausap sa TV5, na nag-offer diumano ng "800 million pesos" para sa isang three-year contract. Subalit sa huli, nagpasya raw si Piolo na manatiling Kapamilya.