Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Star For All Seasons at Batangas Governor Vilma Santos, tinanong namin siya kung ano ang nakikita niyang pagkakaiba sa anak niyang si Luis Manzano sa relasyon nito noon kay Angel Locsin, at sa relasyon nito ngayon sa girlfriend niyang si Jennylyn Mercado
"Hindi ko alam!" natatawang sagot ni Ate Vi.
"Kasi si Lucky 'yon.
"Marami silang pinag-uusapan, maraming nangyayaring hindi ko alam.
"Wala ako doon. How would I know?" sabay tawa ni Ate Vi.
"Pero ang alam ko, si Angel din ay...minahal niya 'yon."
Bilang ina, paano ba niya inaalalayan si Luis sa mga panahong nabibigo ito sa pag-ibig?
"Siya ang lumalapit, oo," pagkumpirma ni Ate Vi.
"Basta't ang sa akin lang...alam ko naman, e.
"Tatawag 'yan. Isang tanong nga lang: 'Are you okay?'
"'No, Mom.'
"'A, I'll go there... I'll have dinner. We'll talk.'
"Pero hindi 'yong, 'Ay, bakit kayo nag-break Ano ang dahilan?'
"Hindi gano'n, 'no?
"Quiet, behave si Mommy.




0

