Natanong din si Governor Vilma Santos tungkol sa usaping nagpaparamdam na raw ang panganay niyang anak na si Luis Manzano tungkol sa pinaplano nitong pagpasok sa politika sa 2013.
Ano ang masasabi ni Governor Vi dito?
"A...interesado si Lucky sa politics," pagkumpirma niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).
"Pero ako, ha...I don't know, ayokong magsalita nang patapos.
"Pero I doubt it kung itong 2013. I doubt it.
"Kailangan muna niyang mag-prepare.
"Pero kung sasabihin mong interesado siya someday, palagay ko baka puwede naman niyang ma-entertain ang politics someday.
"Pero itong 2013, I don't think prepared siya."
Pero maraming mga Lipeño raw ang nagsasabing kung tatakbo bilang mayor ng Lipa City si Luis, malaki raw ang tsansang manalo nito.
Sabi naman ni Governor Vi, "Alam mo kasi, sa mentality nila, since nanggaling ako doon for nine years, alam nila na matutulungan ko 'yong anak ko.
"Kasi alam ko na 'yong patakbo, e. Di ba?
"Pero iba pa rin 'yong...dapat mag-aral siya. Kasi hindi gano'n kadali.
"Kahit kay Ai-Ai [delas Alas], sinabi ko, 'Kung willing ka na magsakripisyo sa show business.
"'Kung hindi ka pa willing iwan mo 'yong mga kita mo or income mo sa show business, mahihirapan ka.
"'Kasi hindi mo kakayanin talagang maka-cope sa suweldo ng politics, 'yong klase ng income na meron ang show business.
"'Kapag hindi ka pa puwede do'n, huwag mo nang ituloy kasi mahihirapan ka.'
"Kaya nga ako, matagal na rin ako nagsasakrispisyo, di ba?
"But then, wala. Nandito na tayo."
FROM ACTRESS TO POLITICIAN. Hanggang ngayon, meron pa rin ngang mga nagtatanong kung ano ba ang meron sa politics para ipagpalit ni Ate Vi ang showbiz.
Sabi niya, "Hindi ko ito pinangarap. Iba 'yong pinangarap, e. Iba 'yong may plano.
"Since nandito na ako, ginagawa ko na lang 'yong best ko para hindi ko rin ipahiya ang pamilya ko, ang fans ko, at 'yong publiko.
"So, may extra effort as a public servant na laging nasa likod ng utak ko, as mush as possible, be conscious na hind masira ang pangalan mo dahil lang sa pulitika."
Sa showbiz kasi ay reyna ang trato sa kanya. VIP o special lagi ang trato saan man siya mapunta. Samantalang sa pulitika ay servant siya.
"Totoo," pagsang-ayon ng gobernadora ng Batangas.
"Ikaw ang hinahabol sa pelikula.
"Pero dito sa pulitika, ikaw ang humahabol sa tao para tanungin kung ano ang kailangan nila.
"And...hindi nga madali, e.
"Hindi ko nga alam kung paano ko nagagawang magsilbi, hindi lang sa Kapitolyo but the whole province.
"Ano na lang, e, ang nasa utak ko na lang kasi—at iyon din siguro ang nagbibigay sa akin ng energy o adrenaline to work harder—hindi lahat ng artista nabibiyayaan na pagkatiwalaan ng mga tao na magsisilbi sila.
"Iyon 'yong trust na iboto ka.
"May mga artista, natatalo rin, e. Pero the mere fact na ibinoto ka...
"Ako, I've been serving Batangas for 14 years now, babae pa [ako].
"First woman mayor ng Lipa, first woman governor. Iyon na yung legacy ko, e.
"Hindi lahat may ganyang tiwalang ibinibigay at paniniwala na you can do something.
"Especially I'm a woman, and yet, barako country ang Batangas.
"Magmi-meeting ka, ang ka-meeting mo, puro barako.
"And yet, kapag nagsalita ka, they respect you. And they believe in you and they follow.
"Iyon naman ang hindi kayang bayaran ng pera. Kasi legacy iyon. Walang katapat na pera 'yon.
"Because at the end of the day, maiiwan 'yan. Nakatatak sa Batangas."
GMA'S PREDICAMENT. Sentro ngayon ng mga balita si dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.
Marami rin siguro ang curious kung ano ba ang reaksiyon ni Governor Vi tungkol sa pinagdadanan ngayon ni GMA, na minsan din niyang naging kaalyado sa pulitika.
"Nakakalungkot," sambit niya.
"A...unang-una, babae rin.
"But then again, at the end of the day, hindi ko gusto 'yong mga nangyayari. Masakit.
"Pero nakamulatan ko na rin bilang isang politician, hindi puwedeng hindi ka magbabayad, e.
"Kasi whether you like it or not, lalabas at lalabas, e.
"So, wala namang pupuntahan iyan kundi legalidad, e, proseso...teknikal.
"Pero wala kang choice. You have to follow the due process.
"Ang akin lang, the way they talk and give the news, the way you address her, magbigay lang ng konting respeto.
"'Yon lang. Kasi naging Presidente rin, e.
"Masyado nang degrading. Huwag naman."
TWO SONS. Laging sinasabi ni Ate Vi na masuwerte siya sa kanyang mga anak na sina Luis at Ryan Christian.
Bilang ina ng mga ito, may naoobserbahan ba siyang contrasting qualities ng dalawa?
"Artistahin din kasi si Ryan. Mahilig din, e. May pagka-artist din si Ryan, e.
"Kaya lang, si Lucky, emosyunal 'yan. Independent.
"Pero si Ryan kasi, sa tingin ko ha, ang perfect na maging pulitiko.
"Kasi sanay kaagad sa tao. Hindi takot sa tao.
"Alam niya ang gagawin niya sa tao. Na hindi namin itinuturo. Or maybe nakikita niya sa amin.
"Kapag nakita ka, 'Good afternoon!' Kakamay sa 'yo kaagad.
"So, I think si Ryan is more on the politics na...'yong mga gestures.
"Si Lucky is more on the independent businessman, e. Businessman 'yon, e.
"Kung do'n lang naman, ano...suwerte talaga ako sa mga anak ko."
RICHEST ACTRESS? Ang daming projects na nakahanda para kay Ate Vi mula sa iba't ibang produksiyon. Availability lang niya ang laging hinihintay.
Pero may kompromiso pa nga siyang pelikula sa Star Cinema, ang The Healing with Kim Chiu na naumpisahan na niyang i-shoot. Ito ang huli sa kontratang pinirmahan niya sa film arm ng ABS-CBN.
"Ang daming offer. Ang daming plano," sambit ni Ate Vi.
"And with due respect naman sa Star Cinema, ang daming plano, especially for my 50th year [in showbiz].
"May television, may libro, may isa pang movie if I could still do one with Angel [Locsin]. Parang iyon daw ang susunod.
"These are plans.
"Sabi ko nga kay Malou [Santos of Star Cinema], para namang available lahat ng oras ko!" tawa niya.
Pero dagdag niya, "With all the plans, thank you. But I cannot promise 'yong time.
"Pero nakakatuwa nga na ang daming plano."
Sa ngayon, kapag sinabing Vilma Santos, kadikit din lagi 'yong "isa nga siya sa pinakamayamang aktres sa Pilipinas."
Ano ang reaksiyon niya rito?
"Owww?!" natatawang sabi niya.
"Gano'n talaga ang reaction ko, owww?!
"Hindi naman. Baka ano lang...baka naman marunong lang sa buhay. Di ba?
"Safe answer, ano?
"Pero hindi. Totoo naman. Baka marunong lang mag-ayos ng finances."
CHRISTMAS PLANS. Ano naman ang plano niya at ng kanyang pamilya ngayong Kapaskuhan?
"Christmas...dito lang. We just left lang naman for two weeks," sabi ni Ate Vi.
Ang tinutukoy niya ay ang naging bakasyon nila nina Senator Ralph at Ryan sa Thailand at Malaysia noong nakaraang birthday niya.
"So, dito lang ako for Christmas with the family. As usual, family.
"Naku, if I know, kapag nagkita tayo after the holidays, alam ko na ang itatanong ninyo: 'Nagkita ba kayo ni Jen? Pumunta ba sa inyo si Jen? Nag-noche buena ba sa inyo?'" natawa ulit si Ate Vi.
Ang girlfriend ngayon ni Luis na si Jennylyn Mercado ang tinutukoy ng Star For All Seasons.
This Christmas, ang isang pinaghahandaan daw ni Ate Vi is to have a Christmas party kasama ang kanyang fans.
"I want to have a party with the Vilmanians.
"Kasi nakita n'yo naman na, huwag akong kakantihin at...ako pa nga ang nagbabawal sa kanila!
"Ako pa ang nagsasabi sa kanila na, 'Pssst, behave na! Huwag na kayong pumatol.'
"And the Vilmanians are professionals, ha. May mga trabaho 'yan.
"Pero kapag nakipag-away, kinanti ako...to the smallest ano, pinapatulan!
"Gano'n nila ako kamahal."
ATE VI'S BIRTHDAY. Ano ang gift sa kanya ni Jennylyn noong nakaraang birthday niya?
"Wala pa. Wala naman akong iniintay!" sabay tawa na naman ni Ate Vi.
"The mere fact na umamin na sila [Luis and Jennylyn] at pareho silang masaya, masaya na ako do'n. Happy ako.
"Kung binati ako ni Jennylyn no'ng birthday ko? Oo."
Si Luis naman, ano ang naibigay na regalo nitong katatapos na birthday niya?
"Wala pa. May utang pa 'yan!" nangiti ulit ang aktres.
This year lang siya hindi nagkaroon ng bonggang birthday party.
Hindi rin ba niya na-miss na may malaking selebrasyon pa rin ng kanyang kaarawan kasama ang lahat ng malalapit sa kanya?
Ayon kay Governor Vi, "Inabot kasi ako ng pagod. Sa totoo lang.
"Sabi ko for this year, I want a quiet birthday.
"You know, one thing—may magalit man o wala—pag sinabi kong pagod na ako, and I need a break, ibig sabihin ibigay mo na iyon sa akin.
"Kasi ibig sabihin, kapag sinabi ko na iyon, hindi ko na kaya.
"Sumusuko na ako physically, mentally, emotionally.
"Kasi kapag gano'n, alam ko na 'yon, e.
"Sa sobrang pagod ko, mainitin na ang ulo ko. Maliit na bagay pinapatulan ko na, e.
"Totoo!" natatawang pag-amin niya.
Dagdag pa ni Governor Vi, "Konting bagay lang, galit na ako.
"Pero kapag gano'n, naiintindihan naman nila ako. Sasabihin, 'Pagod na si Gov, break na.'
"Kaya kapag sinabi kong I need a break, I need a break.
"Tao rin naman ako na napapagod."