Hindi na nagpaliguy-ligoy pa ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nang makita at makausap si Ciara Sotto sa backstage ng Teatrino Greenhills noong Martes, Nobyembre 29, nang maging presentor siya ng 2011 Golden Screen TV Awards.
Diretsahan namin siyang tinanong tungkol sa pinag-uusapan pa ring interview ni KC Concepcion sa The Buzz kunsaan inamin nito ang breakup nila ni Piolo Pascual.
(CLICK HERE to read related story.)
Si KC ay malapit sa pamilya Sotto. Ang ina ni KC na si Sharon Cuneta ay pinsang buo ni Ciara.
Ano ang naramdaman ni Ciara nang mapanood ang interview ni KC?
Sagot niya, "I feel bad for her because I know she's sad.
"Pero she's okay, e. And she's really, really [a] strong girl.
"The whole family is just here to support her.
"Of course, we're also sad. We cry when she cries, pero pinagdadaanan talaga 'yan sa buhay.
"So, all we have to do is just support her and love her and show her that we're here for her."
Hindi pa raw sila nagkakaroon ng pagkakataon na magkita ni KC pagkatapos ng interview nito, lalo ngayong nasa ibang bansa pa ang pamangkin.
Pero aware ba siya sa pinagdadaanan ni KC bago pa man ang pagpapa-interview nito sa TV?
"Yeah, parang nalaman ko from one of my sisters," sagot ni Ciara.
Kung tutuusin, nagdaan na rin si Ciara sa mga breakup bago siya nagpakasal sa kanyang mister na si Jojo Oconer. Kabilang na rito ang natapos nilang relasyon ni John Lloyd Cruz.
Wala ba siyang advice na ibinibigay kay KC?




0

