Pagkatapos ng breakup nina Piolo Pascual at KC Concepcion, may isa na namang showbiz couple ang napapabalitang hiwalay na rin.
Ito ay sina Matteo Guidicelli at Maja Salvador.
Ayon sa reports, isa sa sinasabing dahilan ng pagwawakas ng relasyon ng dalawa ay ang kawalan nila ng oras para sa isa't isa, na nauuwi raw sa madalas nilang pagtatalo.
Ikinalungkot naman ng malalapit na kaibigan ng dalawa ang balita, lalo't ito raw ang kauna-unahang relasyong inamin ni Maja at boto raw pareho ang pamilya nila para sa isa't isa.
"THERE ARE ARGUMENTS..." Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Matteo sa studio ng Happy Yipee Yehey! nung Miyerkules, November 30, ikinagulat niya ang lumabas na balitang break na sila ni Maja.
Aniya, "Nagulat nga ako, ang bilis lang kumalat ng mga maliliit na stories.
"But I'm sure Maja and I will fix whatever it is. Nothing to worry about."
Pero may pinagdaraanan nga ba ang relasyon nila ni Maja ngayon?
Sabi ng car racer-turned-actor, "As of now, wala akong masabi diyan.
"I haven't spoken to her, she's busy pa and we have to talk pa.
"Okay naman ang lahat.
"There are arguments...arguments right then and there.
"It's normal, pero wala.
"I will not confirm anything...nothing.
"Siyempre, may mga problema, hindi maiwasan.
"Normal lang yun, pero okay naman. Yun lang yun."
Ano ba ang madalas nilang pag-awayan ni Maja?
TIME IS NOT THE PROBLEM. Sabi ni Matteo hindi isyu sa kanila ang kawalan ng oras.
"Mga normal issues ng isang relationship—but hindi oras.
"She's very understanding.
"I'm very proud of her career, she's also very supportive.
"Kung busy siya, naiintindihan ko yun."
Sa mga tampuhan nila, sino ang madalas na nagbababa ng pride at inaayos ang dapat na ayusin?
"Depende, pero ako, I always want to patch up things right away.
"Maja naman is very easy to talk to, she's a very wonderful person, she's a very smart girl."
HE STILL LOVES HER. Wala rin daw nabago sa nararamdaman niya para sa young actress.
"Oo naman, ganun pa rin, wala namang nabago. She knows how much I love her."
Huli raw nakapag-usap sina Matteo at Maja nung umalis ng bansa ang aktres patungong Canada para sa ilang shows.
"Before she left for Canada three days, four days ago.
Marami sa mga tagahanga nina Matteo at Maja ang nagpahayag na ayaw nilang mag-break ang kanilang mga idolo.
Bagay na pinasasalamatan naman ni Matteo.
Aniya, "Maraming salamat sa mga Majeo's, especially.
"Grabe, they've really been so supportive, so, thank you very much.
"We love you guys! Maja and I love you from the bottom of our hearts, thank you very much."
"IT'S OVER..." Samantala, nakabalik na ng bansa si Maja.
Kahapon, December 1, ay nagkaroon ng story conference ang bagong sisimulan niyang teleserye sa ABS-CBN kasama sina Patrick Garcia at Jason Abalos.
Hindi nagsalita ang aktres nang subukang kunin ang kanyang pahayag tungkol sa balitang breakup nila ni Matteo.
Pero kagabi ay nag-tweet si Maja na tila kasagutan sa lahat ng espekulasyon tungkol sa kanilang relasyon: "It's over..."
