Sa susunod na taon planong mag-honeymoon ng bagong kasal na sina Jolina Magdangal at Mark Escueta.
Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jolina sa Christmas party ng PPL Entertainment, Inc. para sa entertainment press kagabi, December 1, tinanong namin siya kung saan sila magbabakasyon ng kanyang mister.
"Iniisip ko naman baka sa Alaska. Kasi gusto naming makakita ng Northern Lights," bungad ni Jolina.
"E, ano daw yun, ta-timing-an mo lang.
"Tapos puwede raw siyang lumabas nang January kasi malamig pa.
"Ta-timing-an lang talaga. Lalabas lang kami.
"Pero kunwari nandun kami, tapos wala, yun ang medyo...magbabakasali ka lang talaga."
Patuloy na paliwanag ni Jolina, "Yung tita ni Mark na ninang namin, tiga-Alaska. Mero'n siyang kaibigan na medyo farm yung lugar.
"Sila, nasi-sense nila, mukhang yung langit na ito magkakaroon. Talagang aabangan mo.
"Saka minutes lang siya kaya kailangan mo talagang abangan."
"Lumalabas lang raw yun either Jan or Feb, June or July, September or October."
"Ngayon, kung hindi namin ma-timing-an yung ano...halimbawa, gusto na naming magbakasyon or mag-honeymoon.
"After no'n [wedding], hindi talaga kami nagbakasyon, e.
"In-entertain pa namin yung mga balikbayan naming kamag-anak na one week lang [dito sa Pilipinas]."
SIMPLE VACATION. Simpleng bakasyon lang ang naiisip ni Jolina para sa kanilang honeymoon ni Mark.
"Gusto namin mag-backpack, [sasakay sa] train lang buong Europe or [mag] cruise. Tapos pictures, pictures.




0

