Sa susunod na taon planong mag-honeymoon ng bagong kasal na sina Jolina Magdangal at Mark Escueta.
Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jolina sa Christmas party ng PPL Entertainment, Inc. para sa entertainment press kagabi, December 1, tinanong namin siya kung saan sila magbabakasyon ng kanyang mister.
"Iniisip ko naman baka sa Alaska. Kasi gusto naming makakita ng Northern Lights," bungad ni Jolina.
"E, ano daw yun, ta-timing-an mo lang.
"Tapos puwede raw siyang lumabas nang January kasi malamig pa.
"Ta-timing-an lang talaga. Lalabas lang kami.
"Pero kunwari nandun kami, tapos wala, yun ang medyo...magbabakasali ka lang talaga."
Patuloy na paliwanag ni Jolina, "Yung tita ni Mark na ninang namin, tiga-Alaska. Mero'n siyang kaibigan na medyo farm yung lugar.
"Sila, nasi-sense nila, mukhang yung langit na ito magkakaroon. Talagang aabangan mo.
"Saka minutes lang siya kaya kailangan mo talagang abangan."
"Lumalabas lang raw yun either Jan or Feb, June or July, September or October."
"Ngayon, kung hindi namin ma-timing-an yung ano...halimbawa, gusto na naming magbakasyon or mag-honeymoon.
"After no'n [wedding], hindi talaga kami nagbakasyon, e.
"In-entertain pa namin yung mga balikbayan naming kamag-anak na one week lang [dito sa Pilipinas]."
SIMPLE VACATION. Simpleng bakasyon lang ang naiisip ni Jolina para sa kanilang honeymoon ni Mark.
"Gusto namin mag-backpack, [sasakay sa] train lang buong Europe or [mag] cruise. Tapos pictures, pictures.
"Ganun lang, backpack, mapa, at kamera [ang dala namin].
"Kasi yun talaga ang gusto naming gawin, na maraming mapuntahan tapos pi-picture-an."
BABY, SOON? Gaya ng bakasyon, wala pa ring definite date si Jolina kung kailan sila magkakaroon ng baby ng asawa.
"Ayokong pressure-in ang sarili ko.
"Kasi kung ipi-pressure, lalo kang hindi magkakaroon ng something," paliwanag ng 33-year-old singer-actress.
Dagdag pa ni Jolina, "Basta kasi ang feeling ko, hindi ko kailangang magmadali dahil sa sinasabi ng tao na ganito, ganyan, na dapat magbuntis na.
"E, baka lalo lang akong hindi mabongga!" na ang tinutukoy nito ay ang mabuntis.
OUR OWN HOME. Naghahanap na raw ngayon sina Jolina at Mark ng sarili nilang bahay na malilipatan.
Ayon kay Jolina, "Kung makakakita kami ng gawa na, yung build and sell. Kung makakita kami ng gusto namin, yun na.
"Gusto namin sa QC [Quezon City] rin para mas malapit sa lahat.
"Pero yung dad niya [Mark], nagtatanong rin kung hindi raw ba namin iku-consider sa south? Sige, titingnan rin namin."
Ayon kay Jolina, tiga-Parañaque ang kanyang husband at sa parteng South rin naninirahan ang best friend niyang si Judy Ann Santos.
"Ngayon, pag walang work, sa Parañaque kami nakatira sa kanila.
"At pag may work, doon kami sa QC, sa amin. Sa amin kasi, halos wala na ring nakatira.
"Yung parents ko, nasa Tagaytay na. Kami na lang ng ate ko sa Commonwealth."
Gusto raw kasi ni Jolina na magsimula sila ni Mark bilang couple.
"Sa akin nga, mas mag-start ng maliit para ma-experience mo yung nagsisimula kayo," sabi niya.
Anong klase o konsepto ng bahay ang gusto niya?
"Shabby-chic din. Parang ganun din yung sa wedding ko.
"Parang, cozy na cozy para kapag nagpunta yung mga friends at gusto nilang mag-slouch, manood at mag-chips.
"Ganun lang."
MARVIN'S ALIBI? Nagbigay ng kuwento si Jolina sa hindi pagkakadalo ng dating ka-loveteam at itinuturing niyang kaibigan na si Marvin Agustin sa nakaraang wedding niya.
Mariing sabi ni Jolina, "In-invite ko siya at hindi siya pumunta! May Cebu raw siya!
"Iglot pa lang, isa na siya sa binigyan ko ng 'Save the date.'
"Tapos, sabi niya, 'Ano yung binigay mo?'
"Tapos sabi ko, 'Hindi ka nagbabasa, ano?'
"'Ano ba kasi yun?'
"'Basahin mo kaya?'
"Sabi niya, 'Saan ito?'
"Sabi ko, 'Tagaytay. Sige, sige, may gift ako sa iyo.'
"Sabi ko, 'May gift agad? Basta, kakanta ako,' sabi niya.
"'Tapos tinatanong niya kung, 'Ano ang papel ko?'
"Sabi ko, 'Hindi ka rin naman makapal ang mukha no?
"'Basta, sasabihan na lang kita kung ano.'
"Tapos sabi ko, 'Aayusin pa namin ni Mark.'
"Ang gift niya sa amin ni Mark, ticket sa Black Eyed Peas [concert]!
"Hay naku, si Marvin hanggang ngayon, 'Kinukunat mo pa rin ako!'
"Pero, hindi kami nakapunta kasi yung mommy ni Mark, nagka-dengue."
Hindi rin daw nagamit ang concert tickets at ibinigay na lang ito ni Jolina sa isang kaibigan.
"Kasi sabi ko kay Marvin, 'Baka mabenta mo pa? Sayang naman.'
"Sabi niya, 'Hindi, para sa inyo talaga ni Mark 'yan. Sige, hanap ka, kahit ate mo.'
"Ayaw naman ng ate ko.
"Ibinigay ko na lang kay Ate Tracy, yung RM [road manager] ko at yung anak niya, nag-date sila.
"Tapos nung malapit na yung day, hindi kasi siya nag-RSVP, e. Tinext ko na: 'Pupunta ka ba o hindi?'
"Kasi baka nakakalimutan lang mag-RSVP uli.
"'Kasi yung invitation ko, souvenir na rin 'yan. Hindi kita bibigyan kung hindi ka pupunta.
"Sabi niya, may opening raw siya ng Sumo Sam [restaurant] sa Cebu.
"'Ano ka ba naman, alam mo naman na November 21 yun. Hindi mo na lang sinabi na mero'n kang ano.'
"'Kakanta ba ako?' tanong niya. 'Kasi ipapa-cancel ko yun.'
"'Oo, kakanta ka!' gumano'n ako.
"Kasi puwede naman, e. Puwede naman siyang kumanta.
"Tapos hindi na siya sumagot," mahaba-habang kuwento ni Jolina.
Wala naman daw tampo si Jolina kay Marvin.
"Hindi naman. Kasi kung busy naman siya talaga at opening yun.
"Pero ang akin, hellerrr! Ang tagal ko nang ibinigay yung 'Save the date.' Ayaw ko na lang gawing ano [isyu].
"Gusto ko na lang maging happy nung time na yun.
"Sabi ko...Kasi kung nakita niya yung wedding, may pintuan na set-up doon.
"Pagpasok ko sa pintuan na ito, iiwan ko na lahat ng iniisip ko at stress.
"Iiwan ko na lahat kung anuman.
"Kung maalala ko after the wedding, iniwan ko na lahat sa pinto.
"Kaya wala na akong sama ng loob kahit kanino."
Hindi rin nakapunta ang mag-asawang Ogie at Regine Velasquez-Alcasid.
Pero nagpasabi raw agad ang mga itong hindi makakapunta.
Ganun din si Glaiza de Castro na pinilit humabol, pero late na natapos ang taping nito sa Amaya.
Sabi ni Jolina, "Pinipilit raw talaga niyang humabol. Kaya lang 12 midnight na raw sila natapos ng taping.
"E, 11:30 natapos yung wedding. Pag-good night namin saka bumuhos ang ulan.
"Alam mo yung langit. Yung doon sa malayong side, dark. Yung sa kabila, dark din.
"Pero yung sa amin, ang puti.
"Hindi ako nag-aano, hindi po ako nag-offering.
"Pero yung mommy ko, pina-offering niya yung tita ko sa Sta. Clara.
"Pero sabi nila, doon din raw sa kung saan gaganapin yung wedding.
"Kasi iniisip ko, kung para sa akin yung wedding na ito, kung para sa akin ang wedding na ito, kahit hindi ako mag-offer ng itlog...kasi pini-pray ko ito.
"Sabi ko, sana yung wedding walang something. Gusto ko lang masaya."
ACCORDING TO PLAN. Umayon si Jolina sa wishes ng mga kaibigan niya na magkaroon siya ng maganda at maayos na wedding.
"Actually, si Mark din. Hindi naman ako namimilit.
"Kung sa tingin niya ayaw niya, or hindi siya kumportable, huwag na lang.
"Kasi kung puro ako yun, baka pati siya may pakpak [na suot]," banggit niya sa isa sa mga accessories na suot niya sa kasal.
Dagdag pa niya, "Uy, in-order niya yun sa States. Pina-ship niya yun.
"Medyo fairy na nga ang 'itsura pero dapat yung Bohemian, parang hippie lang kami.
"Moo moo dress lang tapos may tali ako dito sa noo.
"Dapat may [Volkswagen] Kombi kami, pero bawal magpasok ng Kombi.
"Dapat mag-aano siya...yun, kung puwede raw...hindi raw niya kayang mag-bell bottoms.
"Pero okey na lang. Yung suot niya naman okey, e. Basta naka-sneakers siya, okey na sa akin.
"Tapos, nakakita ako ng garden wedding na pagan. May wings yung babae.
"'Tapos yung wings niya iridescent.
"Parang wala, pero pag tinamaan ng ilaw, parang tutubi na naggi-green-green."
All in all, kuntento at masaya si Jolina sa kinalabasan ng kanyang wedding.
Inaasahan din niyang magiging maayos at maligaya ang pagsasama nila ni Mark bilang mag-asawa.
