Nagtataka raw si Mo Twister kung paano kumalat sa Internet ang kanyang video kung saan ikinuwento niya ang isang maselang kaganapan sa relasyon nila ng ex-girlfriend na si Rhian Ramos.
Sa nasabing video ay isiniwalat ni Mo na nagpunta sila ni Rhian sa Singapore noong July 2010 at doon ay Rhian "got rid of our baby."
In-upload sa YouTube ang video, na may titulong "RepairedMovie.mov," ni PrettyJenny55 noong November 28, 2011.
(CLICK HERE to read related story.)
Ayon sa post ni Mo sa TweetDeck kagabi, December 2, kasama sa mga ibinenta niyang gamit ang kanyang computers.
Nagbenta ng kanyang mga gamit si Mo bilang paghahanda sa kanyang pag-alis ng Pilipinas upang manirahan sa New York.
Sinabi rin ng radio-TV host sa kanyang tweet na binura niya ang mga nakapaloob na files sa kanyang computers.
Pero dagdag niya, "apparently, someone 'repaired' the erased files/hard drive and uploaded some personal files of mine."
Dahil sa nangyaring paglabas ng kanyang video na hindi raw niya alam, nagdesisyon si Mo na iurong ang kanyang pagpunta sa New York na nakatakda ngayong araw, December 3.
Ayon sa tweet ni Mo: "i was supposed to leave for new york tomorrow but i'll stay until Monday, or later, in order to help clear or answer some of the questions, as well as investigate how someone may have retrieved my erased files."
Nakiusap din si Mo sa kung sino man ang may hawak ng kanyang personal files "to refrain from uploading anything further."
Ipapaliwanag daw ni Mo ang lahat sa showbiz talk show ng TV5, ang Paparazzi, sa Linggo, December 4.
Isa si Mo sa mga hosts ng Paparazzi.
Matatandaang nagpaalam na sa naturang programa si Mo noong nakaraang Linggo dahil sa plano niyang pag-alis ng bansa.
Kaugnay ng mga pahayag ni Mo sa kumalat na video ay nakatakda siyang sampahan ng demanda ng GMA-7, ang home network ni Rhian.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
50 fanhan
49 xtrapeppy2
48 updatedako
47 caboodles28
46 nothing_personal
45 gabriela414
44 nenetski36
43 xtrapeppy2
42 GMAsimplyTHEbest
41 nenetski36
40 philippa_379
39 Metaxu
38 hkmutya
37 xtrapeppy2
36 rokr12
35 xtrapeppy2
34 triplikeyoudo
33 rokr12
32 ipur
31 myca_bag
more comments