Hindi lang isa kundi marami ang nakapuna sa payat na pangangatawan ni LJ Reyes ngayon.
Biro nga ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanya, nang makapanayam ito sa Christmas party treat ng PPL Entertainment na siyang humahawak ng kanyang acting career, baka nakikiuso siya sa karakter ni Kristen Stewart sa Hollywood movie na The Twilight Saga: Breaking Dawn.
Sa pelikula, nagmistulang buto't balat ang aktres na si Kristen na gumanap na Bela na buntis sa kanyang baby.
Pero si LJ ay higit na isang taon nang nakapanganak sa baby nila ni Paulo Avelino, kaya nakakapagtaka namang gayahin nito ang karakter ng nasabing bidang babae sa sinasabing vampire movie.
"Huwag naman yun! Parang mamatay na yung ganon," bulalas agad ni LJ sa paghahalintulad namin sa kanya kay Bela.
Wala namang diet regimen na sinusunod o ginagawa si LJ para maging dahilan ng pagpayat niya.
"Siguro dahil sa kaka-breastfeed at sa kakaalaga ng bata.
"Kasi hands on naman talaga kami," paliwanag niya.
One year and four months na raw ang anak niya.
Agad naming pinagtakhan kung bakit mahigit isang taon na ay nagbi-breast feed pa ang anak niya samantalang puwede naman ito sa mga processed powdered milk?
"Ayaw niyang tumigil," mabilis na tugon ni LJ kasunod ang pagpapaliwanag ng rason kung bakit.
"Siguro nasanay siya. Sabi nila sa akin...like si Ate Christine Jacob. Kahit yung babies niya, ayaw talagang mag-bottle. Nasanay nga sa breastfeed," saad niya.
Sinubukan na raw ni LJ na sanayin sa bottle feeding ang anak.
"Ay, naku, grabe po. Pati Lola ko, lahat na po nang kamag-anak ko trinay siyang i-bottle feed, pero ayaw. Ayaw niya talaga. So, wala akong choice," paliwanag niya.
Umaayon si LJ na nakukuha raw ng anak niya ang dapat sanang sustansyang para sa katawan niya.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
6 padthony
5 losttreasure
4 mariankimfan1
3 song751
2 redsand
1 aeonflux82