Sa presscon ng Ang Panday 2 last Thursday, December 1, sa Annabel's restaurant, inamin ni Kris Bernal na magkaibigan na lang sila ngayon ng male balladeer na si Jay Perillo.
Dati kasi ay balitang may special relationship ang dalawa bilang mag-MU or "mutual understanding."
"Wala na yung sa amin ni Jay. Kumbaga, parang sa totoo lang, medyo nag-lie low kami, e.
"Medyo nag-lie low na yung ano niya, kumbaga yung relationship namin, yung panliligaw niya parang medyo tumamlay na.
"Hindi na kami nagkikita, hindi na kami masyadong nagkikita," seryosong pahayag ni Kris sa media kasama na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).
Sa Party Pilipinas na lamang daw sila nagkikita, kung saan pareho silang regular performers, hindi tulad ng dati na madalas silang magkasama.
MUTUAL DECISION. "Siguro desisyon na rin namin na ano na, 'Huwag na nating ituloy!' or i-pursue or 'Try na lang natin next time.'
"Desisyon naming pareho."
Kailan nila ito napagdesisyunan?
"Mga last week lang."
Bakit nila iyon napagdesisyunan?
"E wala rin, e. Parang kasi yung mga time na nanligaw siya, siyempre kinikilala ko siya, tinitingnan ko kung ano siya.
"Okay naman siya, as in wala akong maireklamo sa kanya.
"Kaya lang ayoko kasi yung parang minsan na, parang, alam mo yun?
"Pag sa trabaho, iniisip ko na yung oras ko at yung dapat oras na [may] manliligaw, yung sa mga bisita...sa mga bumibisita, ganun.




0

