Itinuturing ni Luis Manzano na lucky charm ang girlfriend niyang si Jennylyn Mercado.
Kasama ni Luis si Jen nang tanggapin ng aktor ang napanalunang award sa katatapos na 2011 Golden Screen TV Awards ng Entertainment Press Society Inc. (ENPRESS), na ginanap sa Teatrino Promenade, Greenhills sa San Juan, nuong Nobyembre 29.
Nakuha ni Luis ang tropeo para sa kategoryang Outstanding Adapted Reality/Competition Program Host para sa Pilipinas Got Talent ng ABS-CBN.
"Iyon ang sinasabi ko, lucky charm ko siya," sabi nito na ang tinutukoy ay si Jennylyn.
"Maging sa proyekto o nagagawaran ng award, she is my lucky charm," panimulang pahayag ni Luis sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan lamang.
Aminado rin si Luis na mas inspirado siya ngayon dahil sa kasintahang aktres.
"Yes, mas inspirado ako, sabi nga nila ay blooming daw ako—siya ang rason," nakangiting paliwanag ng aktor.
Si Jennylyn ay napaka-sexy rin ngayon. Masasabi ba ni Luis na siya naman ang dahilan ng sobrang makurbang katawan ng kanyang girlfriend?
"Ay hindi," maagap na saad ng actor/TV host. "She is a very, very hard worker pagdating sa kanyang physique.
"Gumigising iyan ng 5 a.m. para tumakbo. She is very determined talaga na ma-maintain ang kanyang form."
Nang usisain pa ng PEP kung ano ang kaibahan ni Jen sa past girlfriends niya, consistent pa rin si Luis sa pagsasabing: "Hindi, huwag na, kung aanuhin ko kasi iyon ay magkakaroon ng comparison...
"Let's just say na I'm very, very happy right now."
NEW SERYE. Ikinuwento rin ni Luis ang kanyang forthcoming project sa Dos.
"Malapit nang simulan ang Alta, ang teleserye namin with Gretchen [Barretto], Angelica [Panganiban], Diet [Diether Ocampo] at KC [Concepcion].
"So iyon ang aabangan and, siyempre, may mga shows na paparating, pero medyo confidential pa."
Ano ang papel niya sa Alta?



0

