news

Lovi Poe happy to get own star on Walk of Fame like her father, the late Fernando Poe Jr.

by Ruel J. Mendoza posted on December 4, 2011  STATS: 552 Views | 17 Comments

May star na si Lovi Poe sa Walk of Fame. Masayang-masaya ang aktres dahil pareho na sila ng kanyang yumaong ama na si Fernando Poe Jr. na may sariling star sa Walk of Fame. Proud siya na hanggang sa lugar na iyon ay magkasama sila ng kanyang ama.

 


Sobra ang kaligayahan ng magkaibigan at co-stars sa 2011 Metro Manila Film Festivalo entry na Yesterday, Today, Tomorrow na Carla Abellana at Lovi Poe dahil nabigyan na sila ng sarili nilang star sa Walk Of Fame.

Ito ang proyekto ni German "Kuya Germs" Moreno sa Eastwood City Garden sa Libis, Quezon City, na ang 6th edition ay ginanap nuong Disyembre 1.

LOVI POE. Sabi ni Lovi, pareho na sila ng kanyang yumaong amang si Fernando Poe, Jr., na natural lamang ay mayroon nang star sa Walk of Fame.

Proud daw siya na hanggang sa lugar na iyon ay magkasama sila ng kanyang ama.

"Before kasi, kapag pumupunta ako rito, tinitingnan ko parati ang star ni dad.

"I always wish na magkaroon din ako para pareho na kami.

"I never realized na this early ay mabibigyan ako.

"Kaya salamat, Kuya Germs, for making one of my dreams come true."

CARLA ABELLANA. Para naman kay Carla Abellana, resulta raw ito ng kanyang sipag sa pagtatrabaho. 

Siya ang gumanap ng lead role sa TV series na Rosalinda sa GMA-7.

Apo si Carla ng veteran actress na si Delia Razon, na may star din sa Walk of Fame.

"Ang saya-saya ko!

"Akala ko binibiro lang ako na may star ako dito sa Walk of Fame.

"Totoo na pala ito!" masayang kuwento ni Carla.

"My lola is so happy and so is my mom [Rea Reyes] and my dad [Rey 'PJ' Abellana].

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

17 Comments

  • 17  binibimbim

    12/09/2011 | 04:58 AM
    Dapat Walk of Starlet na name. Kasi mga starlet like lovi ang mga andun. Cheap to the highest level ang Walk of Fame kuno na yan.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 16  rhapsody123

    12/05/2011 | 05:56 AM
    Cheap ang walk of fame, kahit sinong starlet at baguhan na never heard ,binibigyan, samantalang yong mga veteran actors and actresses pati na yong mga directors at iba pang beterano na sa showbiz, wala. Kung sabagay ,hindi nakapagtataka, si Kuya Germs lang naman, LOL, ang nagbibigay ng kanyang cheap of fame ,eh este walk or wok of fame.LOL. Kaya huwag seryosohin yan.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 15  ehemm

    12/05/2011 | 02:27 AM
    13, ah meron ba? i didn't know that. i really don't read everything here. ok, that's good then. thanks for the information, at wag kang galit. smile lang para byootipul always lols
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 14  canada_143

    12/05/2011 | 12:22 AM
    para sa aking kahit anong pang creteria nitong walk of fame,di pa talaga sila deserving..they r a good actress pero di pa talaga..sorry ,,pati ung mga namatay ,,di ko alam bakit nasali sila..i feel mas deserving sina Babalu,,Redford white,,janice de belen,,Tonton,Jean Garcia..
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 13  loyalist

    12/04/2011 | 10:43 PM
    sagot lng, meron na ho c MR walk of fame nauna pa po sa knila lht. ksabay nya c dinfdong anu ka ngaun?????
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 12  ehemm

    12/04/2011 | 08:46 PM
    may stars sila sa walk of fame simply because they're stars. ang tita MR ko ba kasali sa walk of fame? otherwise, hindi fair yan ha. magagalit ang mga pans. hindi puwede. magliliparan ang mga eggs and baking utensils and magwawala sila dito sa pep...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 11  greencardholder

    12/04/2011 | 06:02 PM
    Kalokohan ni german. Wala na yatang paglagyan ng money nya haha. At,least si Sam Milby aminado hindi pa dapat sya magka star.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 10  diane84

    12/04/2011 | 05:53 PM
    hahahah! nging box office queen na ba ito? or high rating teleserye? lol! kaka tawa!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • diane84

    12/04/2011 | 05:52 PM
    ano ang batayan ng walk of fame na ito? lol! si lovi poe? madami nga sya projects, kasi wla stars GMA, pero meron ab kumita? haha! name it.. aswang, tempation, ung sila nina jake! lols..lahat flop! anywaysm GMA standard nag nman! lols
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • terronez08

    12/04/2011 | 04:20 PM
    bahaha. carla and lovi may star sa walk of fame? this must be a joke! buti kung bea and jennylyn maniniwala pa ko..
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • mamang_559

    12/04/2011 | 04:18 PM
    talga lang ahh. naunahan pa si bea at jennylyn?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • ayambyutiful

    12/04/2011 | 02:05 PM
    simple lang ang basehan ng walk of fame na yan ni mama german especially para sa mga showbiz newbies...close sa kanya ang artista or manager nya or kun ang artista na un ay gustong i-build up ng network nya. nun umpisa ok yang walk of fame chorva... pero ang dami din na wala pa talagang K na masali dun kaya yang walk of fame na yan...dekorasyon na lang sa semento
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • blondie

    12/04/2011 | 02:00 PM
    I love lovi
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • trinoma_rat

    12/04/2011 | 01:46 PM
    may stars na agad sila?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • sweetcheese

    12/04/2011 | 12:50 PM
    Naku naman PEP. Sana ung title Lovie and Carla. Misleading kayo eh!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • kokuryu

    12/04/2011 | 12:21 PM
    si bea nga wala pa rin na naging box office queen na at ilan pang awards... sina lovi at carla meron na na kelan lng nagsimula nga? hay naku, mareng german....
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • canada_143

    12/04/2011 | 12:18 PM
    naunaan at daig pa nang mga ito inyong mga beteranang artista,,kaagad nasali sa walk of fame..di ko ma get walk of fame na ito..
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About