Jackie Forster (left) and Angelika Schmeing-Cruz (more popularly known as Angelicopter) on why they left  Survivor Philippines Celebrity Doubles Showdown:

"If it's not the right thing for you...it's okay [to leave] kasi hindi naman puwedeng paninindigan mo dahil lang sa prize, di ba? Dahil lang sa pera," says Jackie.

"Kasi kung magtatagal pa ako dun, baka mamaya mahawa ako dun sa masasamang damo, ayoko yun!" says Angelicopter.


Apat na araw matapos boluntaryong iwan ni Geneva Cruz ang isla, nagpasya ang magkaibigang Jackie Forster at Angelicopter  na mag-quit sa Survivor Philippines Celebrity Doubles Showdown.

Napuno ng tensyon ang Tribal Council dahil sa kabi-kabilang reklamo ng grupong kinabibilangan ng dalawa, ang Tala Tribe.

In the end, nagpasya sina Jackie at Angelicopter to leave the game.

Naging emosyonal naman si Jackie habang idinedepensa ang kanilang naging  desisyon.

"Twenty years na ako sa industriya, hindi ako quitter! I'm quitting because it doesn't feel fair, it doesn't feel fair," ayon kay Jackie sa isang episode ng Survivor.

Sa mga social networking sites, umani ng sari-saring batikos ang ginawa ng dalawa.

Panghihinayan sa puwestong sana'y nailaan sa ibang celebrities ang isa sa kritisismong ibinabato sa mga ito.

At kahapon sa Startalk TX, live na nag-guest ang radio jock na si Angelicopter (Angelika Schmeing-Cruz sa totoong buhay), habang naka-phone patch naman mula sa Singapore si Jackie, ang mga sinasabing castaways-turned-outcasts.

Hindi ba sila nagsisisi na nag-quit sila, losing the chance of winning the three million pesos cash prize?

"No regrets sa decision namin," ang sabi ni Jackie.

"Yung three million pesos, nakakapanghinayan yung three million pesos, pero hindi iyon yung dahilan kung bakit kami sumali.

"Kanya-kanya kami ng dahilan e, ng rason kung bakit kami nandun.

"I wasn't there for the money.

"I was there to show the people who I am, who I really am.

"Because alam naman natin yung nakaraan ko, medyo makulay, di ba?