Taliwas sa imahe ng seksing aktres na umalis ng bansa sa gitna ng kontrobersiya noong 2009, bagong Krista Ranillo ang humarap sa Startalk TX host at entertainment editor na si Ricky Lo.
Hands-on mother ngayon si Krista sa seven-month old na si Nate Jacob, ang unang baby nila ng asawang si Niño Jefferson Lim.
The family resides in California.
Ang unang itinanong ni Ricky kay Krista ay kung papaano nabago ng motherhood ang buhay niya?
"Ay naku, it's really life-changing, as they say.
"You know, when you see your baby, ngayon nga, seven months na siya, so nagku-crawl siya, he's starting to talk and say 'Mama.'
"Pero mostly 'Dada' yung sinasabi niya, 'Daddy,' ganyan.
"Nakakataba ng puso, parang you feel a sense of fulfillment."
Ano ang immediate plans nila for their baby?
"Well ngayon, in-enroll namin siya sa parang playschool."
How about showbiz, since nasa dugo ni Nate ang pag-aartista?
"Maraming nagloloko...nag-aano kay Niño na 'O, 'pag-showbiz mo na si Nate,' kasi very friendly!
"Sobra siyang happy baby, may dugong Ranillo talaga."
Papayagan ba niya itong mag-artista?
"Sa akin okay lang, pero si Niño hindi siguro, gusto talaga niya business."




0

