Ano ang reaksyon ni Alex Gonzaga sa balita na si Liz Uy daw ang bagong nililigawan ng ex-boyfriend niyang si Kean Cipriano?

"Kung totoo man yun, masaya ako for Kean. Si Liz, mabait siya, nagdadamit siya sa Ate ko [Toni Gonzaga]. Nagka-text kami one time. Okay namin, mabait.  Happy ako for them," Alex says.

 

Photo: Noel Orsal


Isa sa isyung pinag-uusapan ngayon ay ang video ni Mo Twister na kumakalat sa Internet kung saan nagbubukas ito ng saloobin niya tungkol sa ginawa raw na pagpapa-abort ng girlfriend na si Rhian Ramos sa Singapore. 

Ang video ay kinunan sa kuwarto ng isang hotel kung saan, ayon kay Mo, ay kasama niya ang aktres.

Nasa Singapore aniya sila "to get rid of their child."

Ikinagulantang ng lahat ang naging desisyon ni Rhian, kung may katotohanan nga ang nasabing balita.

Bago pa man lumabas ang nasabing video, kumpirmado na rin ang pag-alis ng bansa ni Mo para iwanan pansamanatala ang showbiz at hanapin raw ang kanyang sarili.  

Dahil iiwanan niya ang programang Paparazzi at Juicy!, aminado si Mo na masakit sa kanya ang naging desisyon.

Hindi lang ang kanyang showbiz career ang kanyang pansamanatalang tatalikuran, mapuputol din ang kanyang komunikasyon sa mga naging kaibigan niya sa mga shows na kinabibilanganan nila Cristy Fermin, Shalala, IC Mendoza, at Alex Gonzaga.

Nainterbyu ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Alex Gonzaga kahapon, December 3, sa launching ng Ysa Botanica 2 in 1 Papaya with Kojic acid. Ang actress-TV host ang bagong endorser ng beauty product.

Dinepensahan naman agad ni Alex si Mo, bagamt sinasabi rin niyang hindi niya napanood ang sinasabing video.

"Ang nagsabi sa akin ay si IC. Di ko pa napapanood, nasa taping ako. Siguro siya na lang ang tanungin ninyo kasi di ko pa napapanood. 

"Nakita ko kung gaano talaga kamahal ni DJ Mo si Rhian, sa mga 'pinakita niya sa amin, sa mga katrabaho niya...

"Sa last episode namin kahapon, sinabi niya na mahal niya si Rhian.

"Pinoprotektahan niya si Rhian, tine-treasure niya ang kanilang friendship," ani Alex.

EXPLOSIVE. "Before this video came out, nabalita rin na may bomba na pasasabugin si Mo [tungkol] sa aktres. 

"Para sa iba, ito raw yata ang bombang pinatutungkulan ni Mo," patuloy ni Alex.