"Na-text ko na siya, giving him support.
"Usually talaga ang ino-openan niya ay si IC, kasi katabi niya," ang sabi ni aktres.
Ayon kay Alex, naiintindihan niya ang desisyon ng co-host na umalis dahil sa mga problemang pinagdaanan nito.
"Gusto raw niyang mag-move on, makita yung peace of mind, so yun ang winish namin sa kanya.
"I think inere naman yun sa TV, na he's in a dark place right now. So I hope makita niya yung light side."
Kinumpirma rin ni Alex na babalik ang kontrobersyal na DJ para mag-Christmas dito dahil sa mga natanguan nitong prior commitments.
"I think after two weeks babalik siya dito dahil may mga raket siya...sana raw makapag-Christmas party siya."
HAPPY WITH 5. Sa kabila ng maraming mga artistang bini-build up ngayon ng TV5, siniguro ni Alex sa PEP na hindi siya nai-insecure sa mga ito.
Tuloy-tuloy ang mga magagandang proyektong ibinibigay sa kanya ng Kapatid network, aniya.
"Sobrang saya, dahil ang TV5 talagang nakikita mo in a short span of time, tinanggap siya ng tao.
"I'm sure this coming year, lalong dadami ang aming mga kapatid.
"Ako talaga, napunta ako dito na wala pa talagang artista ang TV5.
"Kaunti lang talaga kami kaya di mo talaga maramdaman na network kayo kasi same people ang nakikita mo.
"Ngayon na dumarami at may mga pumapasok na talaga na haligi na sa industriya, mas napi-feel mo na, 'Wow! Network na talaga kami.'"
Kapareha ni Alex ang ex-boyfriend niyang si Kean Cipriano sa TV5 serye na P.S. I Love You.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
88 lynn_q8
87 muchos_grasas
86 Americangirl
85 atwoodm
84 iampokpok
83 atwoodm
82 Santosd27
81 iampokpok
80 champion_0105
79 iampokpok
78 Santosd27
77 kalahatingtao
76 BopolEngot
75 Gellargreene
74 muchos_grasas
73 juankastila
72 Lokotoy
71 kalahatingtao
70 malaya2007
69 mahil
more comments