news

Rhian Ramos: "I think more than what the people have seen, I have been hurt over a longer period of time, unnecessarily, and I think, undeserved."

by Mark Angelo Ching posted on December 5, 2011  STATS: 266919 Views | 1067 Comments

 

Humihingi si Rhian Ramos (in photo) ng temporary protection order para pigilan si DJ Mo Twister na maglabas pa ng mga tinatayang mga mapanirang pahayag laban sa kanya.

Photo By: Noel Orsal

Matapos ang ilang araw ng pananahimik ay nagsalita na rin ang young actress na si Rhian Ramos tungkol sa mga akusasyon ni Mo Twister laban sa kanya.

Ito ang patungkol sa akusasyon ng radio at TV host na ipinalaglag ni Rhian ang kanilang anak sa Singapore noong Hulyo ng nakaraang taon.

Ang statement ay inere ngayong gabi, December 5, sa 24 Oras ng GMA-7, sa report ni Sandra Aguinaldo.

Nakapanayam ng GMA-7 si Rhian sa pulong nito sa kanyang lawyer na si Atty. Lorna Kapunan. Pinirmahan nito ang reklamong isasampa niya bukas laban kay DJ Mo.

Emosyonal si Rhian at halatang naluluha habang sinasabi ang maikli niyang pahayag.

Ayon kay Rhian, "I think more than what the people have seen, I have been hurt over a longer period of time, unnecessarily, and I think, undeserved.

"I just hope to be able to put an end to that today so that hopefully I can move on."

Ayon sa report, tumanggi ang aktres na sagutin ang mga tanong ng press, ngunit nangako ito na maglalabas ng mas mahabang pahayag sa darating na panahon.

Nang si Atty. Kapunan naman ang tanungin ng press ay sinabi nitong si Rhian na lang ang tanungin sa mga susunod na araw. "It will be answered in due course," saad niya.

Ipinaliwanag ni Atty. Kapunan na ang isasampa nilang kaso laban kay DJ Mo ay ang paglabag diumano nito sa Republic Act 9262, o ang Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004.

Kaugnay nito, hihingi rin si Rhian ng temporary protection order para pigilan si DJ Mo na maglabas pa ng mga tinatayang mga mapanirang pahayag laban kay Rhian.

Magiging ebidensiya naman sa kaso ang nauna na umanong mga statements ni DJ Mo.

Ayon kay Atty. Kapunan, "The court will determine if it will issue a permanent protection order."

Dagdag niya, "This is not normal behavior; it is dysfunctional behavior."

Sinabi rin ni Atty. Kapunan na "pagod" na si Rhian sa mga harassment umano ni DJ Mo. Ang temporary protection order daw ay para pigilan ang harassment na ito.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

1067 Comments

  • 407  speed79

    12/06/2011 | 08:36 AM
    lovelike - anong age sinasabi mo? yun na nga di ba she's young pero nasa isip na nya agad ang pagpapaabort, duh. nabaliw na si mo sa pagmamahal sa kanya lolokohin pa nya. i two time pa and nalaman pang nagpaabort ulit with their baby for the second time sino hindi magagalit? nice pa nga ginwa ni mo kasi he has radio tv pro hndi nya dun sinabi na pwede naman sana. kaya pala galit si JC sa rhian na yan panlabas lang tlga ang ganda. ok sana kung makikita mong nagsisisi pro magdedemanda pa ng case na dapat sa knya isinasampa..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 406  annaging

    12/06/2011 | 08:36 AM
    Rhian may ginawa kang mali kaya hwag na ka magpaawa effect. Nagpaabort ka ilagay mo yan sa utak mo. Kumitil ka ng isang musmos kaya dapat lang na magdusa ka. Kayo naman GMA7 bakit pinoproteksyonan ninyo si Rhian kasi may kasalanan din kayo. Mga mamatay tao!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 405  napazu7

    12/06/2011 | 08:36 AM
    Mo is pethetic, only wants to destroy Rhian by telling lies because he knows Rhian won't comeback to him. Now, he's gone and left a story to even manipulates public consciousness...lol.. If he's telling the truth, why left the country and not face the burden of the justice rhian is seeking? Ganyan din ang gnawa ni Ramona Bautista... a video isn't enough to convince those who have full sanity....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 404  BopolEngot

    12/06/2011 | 08:34 AM
    bandit... mawalang galang na! talo na nga eh wala namang panalo dito... umpisa pa lang talo na sila pareho pero sana naman magturingan silang tao. alang alang na lang sa pinagsamahan nila. ginagawa lang naman nung bata eh patigilin si MO at magmove on na lang na hindi na sila. eh bakit ayaw pa tumigil. sa tingin ba natin kung sila pa aamin sa publiko yan. hanggat nakakaiskor ok pag hindi na basurana.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 403  ilokana

    12/06/2011 | 08:32 AM
    Balik KAPAMILYA na ulit ako... atleast dun kabaklaan lang, di mamamatay tao... hmmp!!! AFFECTED ako...hehhehee
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 402  D_katie

    12/06/2011 | 08:31 AM
    BAgo yata inilabas ni Mo sa publiko ang tungkol sa abortion drama nya. Hinaharass nya si Rhian at binablack mail kung hindi pakikipagbalikan sa kanya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 401  BopolEngot

    12/06/2011 | 08:31 AM
    MO - sige payag akong magpaabort ka pero hanggang syota pa rin kita. pero kung hindi na tayo lagot ka at hihiyain kita sa buong mundo. hahahahah
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 400  hhamlin

    12/06/2011 | 08:30 AM
    So is that mean that she really had the abortion? because all the case they have for him is harassment. Why not file a case for malicious if the rumor wasn't true. All she is worried about is to make sure that MO don't put out more evidence. If I am in Rhian's shoe if all the rumor is not true I will fight for my right. Now it is proven that Mo is telling the truth. I am sure if Rhian said no she didn't have the abortion I pretty sure that MO will have more proof this is probably why Rhian is scared. She want to stop Mo for putting out more proof on what she did.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 399  bandit54

    12/06/2011 | 08:28 AM
    Sana nanahimik na lang kampo ni Rhian at GMA.Answering the issue won't help.It justify whatever issue she's facing now.Hindi na mababago pa ang manga salita ng tao.At the end ,sya pa rin naman ang talo.Wag na magsalita.No need to explain further.It's just getting worse as it is.Just move on,and learn from it.Tanggapin ang sakit,coz. that's the prize to pay,in exchange for the fame she love most.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 398  BopolEngot

    12/06/2011 | 08:28 AM
    tama ka KPT... pareho silang nagkamali kaya pareho silang magdusa. pareho silang mananagot sa Dyos. pero hindi si MO ang magpaparusa kay rhian. sabi ko nga kung lalaki ka alam mong responsibility mo when you make love. alam mo dapat kung gusto ng partner mo o hindi mabuntis. alam mo dapat kung paano mo aalagaan ang gf o asawa mo. sa case ni mo at history nito walang balak yan magprotection at lahat nga binuntis nyan. ikaw na nagsabi na sinisira nga pagkababae ni rhian o pagkatao. un ang mali kay MO! un ang tinitira namin. mali ang pagabort mali ang pumatay! pero tama ba na sabihing MAHAL mo ang tao at the same time sinisira mo sa buong mundo ung MAHAL mo na yon. sows! desperado kasi ayaw na sa kanya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 397  freemind24

    12/06/2011 | 08:25 AM
    I salute Andi Eigenmann for choosing to make her baby live!!! To think her star's shining bright nung bigla syang nabuntis! Di kasalanan ng bata yung kahiligan nyo no, kung nabuntis, eh di manganak at ipaampon kung ayaw mong palakihin. There are much better choices than abortion.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 396  ilokana

    12/06/2011 | 08:23 AM
    i thinks rhian deserves this.. tralalala... y? because the unborn baby doesnt deserves to be aborted.. ang daming ina, babae na gustong mabuntis, kailangan pa nilang sumayaw sa obando, get medical treatment para mabuntis lang... hays, ang issue dito ay asan ang moralidad ng mga kabataan... asan ang mga paring pro life kuno...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 395  mymy_0611

    12/06/2011 | 08:21 AM
    Well in my side, sana hindi na lang pinatulan ni Rhian si MO in the first place, pero hindi ganun nangyari nainlove din siguro, pero ang pangit kase dito pa deny deny pa sila, because of the career, etc. Ang masama ngayon na may ganitong pasabog ngayon lang nalalaman na nagkarelasyon sila, ang masama pa kung wala talaga silang relasyon sa denial nila sana hindi na siya nagpabuntis kay MO alam naman niya siguro ang karakas ni MO, kase kung ayaw ni Rhian wala naman magagawa ang lalake, pero sana maging lesson ito ky Rhian huwag maging denial, at kung mabuntis man huwag masanay na magpalaglag dahil kapahamakan din niya yan at lalo na walang kinalaman ang batang nasa sinapupunan, mas blessed yung hindi ka takot magsabi sa public na I'm pregnant pinagpatuloy mo kesa yung ipapalaglag mo because of your career, dahil despite of this kung talagang magaling ka,maganda, matalino ka, may babalikan kang career na sinasabi mo, dahil pagdating ng araw ang showbiz career mo mawawala pero ang anak mo nandyan sayo, be mature
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 394  BopolEngot

    12/06/2011 | 08:21 AM
    walang kinikilingan, walang pinoprotektahan... gma yan! 1 artista lang yan si rhian ng 7 para sirain nila ang pinaghirapan nila jan. hindi papayag si sir gozon jan. ano?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 393  KPT

    12/06/2011 | 08:20 AM
    MAGSASAMPA NG KASO?! Because nagsalita lang ng TOTOO so DJ Mo against sa ginawa nila ni Rhian sa Singapore way back 2010?1 My point is, nasira ni DJ MO ang karapatan ni rhian bilang Babae..nadala niya ito sa kahihiyan PERO diba hindi lang naman siya ang nag isip nito kung hindi DALAWA sila? mabubuo ang baby hindi sa pamamagitan ng ISANG TAO lang, DALAWA sila!! Ano ba, sana nag isip muna pala siya ng mabuti eh kung iisipin niya pala ang kahihiyan!! kung iisipin niya ang karapatan niya bilang Babae..! HINDI BA NIYA NAISIP ang karapatan ng SANGGOL NA MAGKAROON NG BUHAY AT MABUHAY NG MATIWASAY?! Naisip ko tuloy dito si ANDI EIGENMANN, buti pa siya, kahit nasa SHOWBIZ ang parehong Magulang niya, Nagpaka totoo siya at hindi inuna ang kahihiyan! the Point is, PINILIT BA SIYA NI DJ MO IPALAGLAG ANG BABY? PINILIT BA SIYA NA MAGTALIK SILA PARA MABUO ANG BABY? PINILIT BA SIYA NA MAKIPAGRELASYON SA KANYA? NASA TAMANG EDAD na sa siya.. Nakikita kong AYAW LANG NIYA MADALA SA KAHIHIYAN ANG PANGALAN NIYA!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 392  ichigochan18

    12/06/2011 | 08:19 AM
    isa lang yan si Rhian sa katuparan ng nakasulat sa bible.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 391  BopolEngot

    12/06/2011 | 08:19 AM
    o ano naman itong tinotolerate daw ng GMA si Rhian. manood ka ng 24 oras hindi katulad ng paparazzi na WE RESPECT mo's privacy hahaha... obviously tinanong ng 24 oras si rhian at ang abogado tungkol sa mga issues na yan. ang sagot magbibigay ng statement si rhian tungkol sa lahat IN DUE COURSE. pwede mo bang pilitin paaminin ang kahit na sino?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 390  Sortkwik11

    12/06/2011 | 08:18 AM
    justpassingby, ONLY GOD CAN JUDGE HER. true or not, how could someone post stuff like that! it's a very private matter, very delicate issue, it should not be talk about with the whole world and be made fun of. he's nothing but a disgusting pig who likes to knocked up girls! Rhian just happen to be the girl he really wants, since he couldn't have her, he made issues of maliscious allegations....he is not sincerely hurt, he is laughing inside! the most evil way for an EX to do in revenge. God Help him!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 389  ichigochan18

    12/06/2011 | 08:18 AM
    datapuwat alamin mo ito, na sa mga huling araw ay darating ang mga panahong mapanganib. Sapagkat ang mga taoy magiging MAIBIGIN SA KANILANG SARILI, MAIBIGIN SA SALAPI, mayayabang, mga mapagmalaki, mapagtungayaw, masuwayin sa mga magulang, mga walang turing, MGA WALANG KABANALAN, walang katutubong pag ibig, mga walang paglulubag, MGA PALABINTANGIN, MGA WALANG PAGPIPIGIL SA SARILI, mga mabangis, HINDI MGA MAIBIGIN SA MABUTI,mga lilo, mga matitigas ang ulo,mga palalo, MGA MAIBIGIN SA KALAYAWAN kaysa sa mga MAIBIGIN SA DIYOS. --- 2Tim 3-1,2,3,4
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 388  Txmel1

    12/06/2011 | 08:14 AM
    Mo has a penchant for the theatrics and oftentimes gets himself in too much trouble. Rhian is obviously trying to save face but she is going to need such a huge image overhaul. Kung sa Amerika pa baka umubra yan pero sa Pinas? Tignan mo nga kung san na pinulot si Katrina Halili.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About