news

Rhian Ramos: "I think more than what the people have seen, I have been hurt over a longer period of time, unnecessarily, and I think, undeserved."

by Mark Angelo Ching posted on December 5, 2011  STATS: 266915 Views | 1067 Comments

 

Humihingi si Rhian Ramos (in photo) ng temporary protection order para pigilan si DJ Mo Twister na maglabas pa ng mga tinatayang mga mapanirang pahayag laban sa kanya.

Photo By: Noel Orsal

Matapos ang ilang araw ng pananahimik ay nagsalita na rin ang young actress na si Rhian Ramos tungkol sa mga akusasyon ni Mo Twister laban sa kanya.

Ito ang patungkol sa akusasyon ng radio at TV host na ipinalaglag ni Rhian ang kanilang anak sa Singapore noong Hulyo ng nakaraang taon.

Ang statement ay inere ngayong gabi, December 5, sa 24 Oras ng GMA-7, sa report ni Sandra Aguinaldo.

Nakapanayam ng GMA-7 si Rhian sa pulong nito sa kanyang lawyer na si Atty. Lorna Kapunan. Pinirmahan nito ang reklamong isasampa niya bukas laban kay DJ Mo.

Emosyonal si Rhian at halatang naluluha habang sinasabi ang maikli niyang pahayag.

Ayon kay Rhian, "I think more than what the people have seen, I have been hurt over a longer period of time, unnecessarily, and I think, undeserved.

"I just hope to be able to put an end to that today so that hopefully I can move on."

Ayon sa report, tumanggi ang aktres na sagutin ang mga tanong ng press, ngunit nangako ito na maglalabas ng mas mahabang pahayag sa darating na panahon.

Nang si Atty. Kapunan naman ang tanungin ng press ay sinabi nitong si Rhian na lang ang tanungin sa mga susunod na araw. "It will be answered in due course," saad niya.

Ipinaliwanag ni Atty. Kapunan na ang isasampa nilang kaso laban kay DJ Mo ay ang paglabag diumano nito sa Republic Act 9262, o ang Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004.

Kaugnay nito, hihingi rin si Rhian ng temporary protection order para pigilan si DJ Mo na maglabas pa ng mga tinatayang mga mapanirang pahayag laban kay Rhian.

Magiging ebidensiya naman sa kaso ang nauna na umanong mga statements ni DJ Mo.

Ayon kay Atty. Kapunan, "The court will determine if it will issue a permanent protection order."

Dagdag niya, "This is not normal behavior; it is dysfunctional behavior."

Sinabi rin ni Atty. Kapunan na "pagod" na si Rhian sa mga harassment umano ni DJ Mo. Ang temporary protection order daw ay para pigilan ang harassment na ito.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

1067 Comments

  • 207  puckerlips143

    12/06/2011 | 12:46 AM
    Mas nasusuka naman ako sa mga kagaya mo mga feeling matitino kung nagpalaglag man si rhian pananagutan nya yun sa dyos hindi nyo na kelangan batuhin at apak apakan pa si mo at kc ay walang pinagkaiba yan ang ipinanggagalaiti ng butse mo dahil edukada si kc pero pareho sila ni mo mabaho pag uugali kapag d nakuha ang gusto hayan akalabas sa publiko ang baho ng mga exes nila yes im mad sa ginawa ni kc at mo dahil pareho sila matapos magpakaligaya sa kapartner ng nagkalabuan na inhayag na sa publiko ang dapat ay sa private na lang pinag uusapan.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 206  jams_mom

    12/06/2011 | 12:45 AM
    tama ang approach ni rhian sa issue... hindi nya dapat tapatan ang sira ng ulo ni Mo... ang baliw mas nagwawala pag kinokontra... a protection order and a gag order should take effect soon... hindi dapat huminto ang buhay ni rhian just bcoz Mo preys on her... napakadaling gumawa ng controversy against someone, and kung magpapa-apekto ka dito, nagtagumpay yung naninira sa iyo... sadly, marami pa ring gullible dito na mas naniniwala pa sa mga baliw...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 205  violz

    12/06/2011 | 12:45 AM
    i dont like Mo Twister,but this time i believe him,prangka lang siyang tao siguro...Rhian wag kang umiyak,eversince alam namin nagsisinungaling ka,deny ka ng deny na hindi kayo nagpunta ni Mo dito sa Paris last year,pero nakita nmin kayo..calling GMA she's not a good example at isang mortal sin ang ginawa niya,sana patunayan nyo ang inyong slogan nyo na "walang kinikilingan,walang pinoprotektahan"..nakakairita siya,she is already an adult and she must be responsible on her action.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 204  neophyte

    12/06/2011 | 12:43 AM
    Madadamay talaga ang GMA, sa station nila lumalabas si RHIAN. Eh kung ang public viewers gets offended seeing her on tv. You know what the viewers will do? SWITCH TO ANOTHER CHANNEL.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 203  winonao1

    12/06/2011 | 12:43 AM
    me and my family are certified KAPUSO pero will surely not watch any show from rhian! baka pagmag-rate pa show ni rhian baka akalain nya after all tama ang pinaggagawa nya at worst BAKA ULITIN na naman kasi mismong ina at ang tita IDA nya ang nambubuyo sa kanyang magpa-abort..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 202  bagobobabe

    12/06/2011 | 12:40 AM
    puckerlips, nasusuka ako sa pagiging ipokrita mo! galit ka kay KC dahil nagpaka totoo at ayaw ng manloko sa publiko pero ayaw mong ijudge ng tao si rhian kahit pinatay nya yung batang walang kalaban laban!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 201  jams_mom

    12/06/2011 | 12:40 AM
    kung sa dami ng CONFIRMED abortions, mas di hamak na marami sa dos... i believe its STUPID to say na kaya lang nagdemanda ang GMA dahil gusto nila protektahan si rhian... mismong si Mo na ang bumawi ng statements niya against GMA so dapat naintindihan na ng tao yan...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 200  benggaling

    12/06/2011 | 12:38 AM
    kung ibang talent kaya ng GMA ang gumawa nyan, ganyan din kaya ang gagawin nila?siguro sinuspinde na nila.iba talaga ang KAPIT NI RHIAN SA GMA?ANG LAKASSSSSSSSSSS!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 199  neophyte

    12/06/2011 | 12:37 AM
    Unplug GMA TV, not going to watch the DINGDONG - RHIAN soap anymore. Give justice to the babies being aborted. Wala sila kalaban-laban, so let us be THEIR VOICES.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 198  gaila

    12/06/2011 | 12:36 AM
    kung sino pa yung akala mong mahinhin , behave at sosyal daw ???? ang gumagawa ng milagro sa dilim. sayang ka rhian.. sayang ayoko na sayo ..gustong gusto ka pa nman sana nmin.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 197  shellphone

    12/06/2011 | 12:35 AM
    Yung isa naman nag comment dinamay na naman yung network war. Walang kinalaman ang network sa PERSONAL LIFE ng artist nila. At hindi ibig sabihin na Christian ang CEO ng GMA eh lahat ng employees eh Christian COMMON SENSE LANG.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 196  shellphone

    12/06/2011 | 12:33 AM
    I don't like Rhian pero sa puntong ito wala akong pakialam kung anong gawin ya sa buhay nya at sa body nya. who are we to judge?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 195  kapusoakotalaga

    12/06/2011 | 12:31 AM
    excuse me, mas madame ng nag pa abort sa abs kaepalmilyucks .talaga oo, damay pa gma sa kaeng engan nila djmo at rhian...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 194  winonao1

    12/06/2011 | 12:28 AM
    imagine makikita nyo si MRS RHIAN GUMATAY iiyak iyak sa tv at nagbabait-baitan yun pala KUMAKATAY ng MGA BATA?? di kaya kayo MASUKA?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 193  happygolucky

    12/06/2011 | 12:28 AM
    Rhian-- what the people HAVE seen. Not HAS seen.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 192  winonao1

    12/06/2011 | 12:25 AM
    CALLING GMA ATTY GOZON pls lng pagpahingahin nyo na muna si rhian sa tv kasi ang buong pamilya namin naha-highblood sa kanya! IMAGINE DI LNG ISANG BESES GINAWA??? KALADKARING DEMONYA TALAGA!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 191  hibangers2

    12/06/2011 | 12:25 AM
    Bad bad bad. Sayang mukha pa namang mahinhin yet she had an abortion. Not a good influence to the women who idolized her.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 190  Mizzmoh

    12/06/2011 | 12:19 AM
    May next project na pala si Rhian dahil sa mga pangyayari. Ang title daw ng teleserye ay Escalator to h e l l, hindi pa confirmed kung pumayag si Mo na maging leading man kasi isa na syang kafatid. Pero si VP Ida confirmed na raw na kasali gaganap na manager na nagtulak sa sariling pamangkin sa kanyang ginawa para lang makuha ang trono from Marian sa GMA.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 189  tsismosaako

    12/06/2011 | 12:17 AM
    hahah sige GMA idemanda kung sino gusto idemanda ng maglabasan na ang baho nyo..ang mga nagpaabort nyong mga artista sa GMA, maglalabasan na rin...grabe GMA, home of abortionists!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 188  dericraymimi

    12/06/2011 | 12:15 AM
    aTty gOZon., madami pamg pwedeng maging leading lady si dingdong., anyone except this abortionist., if ull ignore this appeal., ill make facebook page to condemn u and ur network,!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About