Annabelle Rama (in photo) to Nadia Montenegro: "Sabi ko, 'Bayaran mo ang utang mo sa akin!' [Sabi niya] wala siyang utang. Kapal ng mukha niya! Wala siyang utang sa akin? Pera daw ng mga bata ang kinukuha niya sa akin. Pera ng mga bata? Ang suweldo ng mga bata, 20,000? Ano, kupitin ko ba yun? Ang kapal ng mukha ng babaeng 'yan!"

Photo: Mark Angelo Ching

Galit na galit ang talent manager na si Annabelle Rama kaninang umaga, December 6, nang makausap ng press sa Quezon City Prosecutor's Office.

Nagmamadaling umalis si Annabelle mula sa isang clarificatory hearing para sa kasong child abuse at defamation na isinampa ni Nadia Montenegro laban sa kanya.

Nagkaroon kasi ng bahagyang kaguluhan nang magsisigaw si Annabelle sa loob ng office ng piskal na si Liezel Aquiatan-Morales.

(CLICK HERE to read related story.)

"SINUNGALING SIYA!" Hindi na tinapos ni Annabelle ang hearing at nagmadaling umalis sa Quezon City Prosecutor's Office.

Kahit na humahangos ay nakapagbigay pa rin ng maikling panayam si Annabelle sa media na humahabol sa kanya.

Ipinaliwanag ni Annabelle kung bakit siya nagsisigaw.

"Kasi sinungaling siya, e. Deny siya nang deny sa fiscal.

"Tapos parang dinidiin niya ako.

"Sabi ko, 'Magsabi ka ng totoo sa fiscal, wag kang magsinungaling!'

"Kasi mga tanong kasi ni fiscal, hindi niya masagot-sagot.

"Sinungaling siya!"

Si Nadia ang pinatutungkulan ni Annabelle sa kanyang matatalim na pahayag.

Paliwanag pa niya, "Sabi ng fiscal kasi, 'Dati kayong magkaibigan.'