"Meron din akong...alam kong pagkakamali, na gusto kong ayusin ngayon. Nagtiwala lang naman ako, at para sa mga bata, kailangan kong ayusin. At hindi ako papayag na isang katulad lang niya ang sisira sa pangalan namin," says Nadia Montenegro.

Photo: Mark Angelo Ching

Maghahain din sila ng motion para magbigay si Annabelle ng orihinal na kopya ng mga kontrata ng kanyang dalawang anak, para masuri ng NBI.

Ito ay para naman sa kasong falsification of public documents.

Bukod pa rito ay ihahain din daw nilang ebidensiya ang ilan sa mga text messages na ipinapadala diumano ni Annabelle at ng kanyang mga anak kay Nadia.

Isa na raw rito ang text message na ipinadala ng aktor na si Richard Gutierrez kay Nadia.

Pag-aakusa ni Nadia, puro mura raw ang laman ng text ng aktor kaya hindi puwedeng i-print sa media.

"Basahin n'yo, dahil hindi n'yo naman mapi-print," saad nito.

Maging mga anak niya raw ay itini-text ni Annabelle.

Saad ni Nadia, "Tinext niya si Alyanna noong Sunday.

"Hindi mabura sa isip ko ang mukha ni Alyanna nang ma-receive niya ang text.

"Nasa korte na tayo, e, pero ayaw pa ring tumigil."

COURT BATTLE. Hiling ni Nadia, sana raw ay tumigil na ang paninira ni Annabelle sa kanya sa publiko dahil nasa korte na ang kaso.

"Ang akin lang naman, sagutin niya yung nasa korte.

"Kasi wala pa siyang sinasagot kahit isa, e," saad ni Nadia.

Dagdag pa ng dating aktres, alam niyang gulo ang kanyang pinasok sa pagsasampa ng kaso, ngunit itutuloy niya raw ito para sa kanyang mga anak.

Hindi na raw niya kasi gusto ang itatakbo ng mga career nito sa kamay ni Annabelle.