Maagang dumating si Angelika dela Cruz sa Christmas Party for the press ng PPL artists ng talent manager na si Perry P. Lansigan nuong Disyembre 1, kaya na-interview agad ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang aktres.
Ayon kay Angelika, nanggaling siya sa Cinema-plug taping para sa mga bagong GMA-7 shows kung saan kasali ang bagong soap na tatampukan niya na Biritera, with Dennis Trillo and Glaiza de Castro.
"Magte-taping po kami, by January [2012]. Primetime soap po siya," bungad ni Angelika sa PEP.
"Magpapa-audition pa po sila ng mga batang kumakanta.
"Sabi nila, si Dennis, 'tsaka yung mga bata ang kakanta.
"Sana nga, pati kami, kakanta [sa Biritera]," sabi ni Angelika.
"Gusto rin nga namin [ni Glaiza], kami rin. Umaasa pa kami, na kami din.
"Ang sarap no'n, parang yung ginawa namin sa Bituing Walang Ningning [ng ABS-CBN]," pagre-recall din ng dating Kapamilya actress.
Ayon din kay Angelika, ang Biritera ay may kuwentong nakasentro sa mga bata.
"Yung singing part, kasama dun sa story. Pero, [more on] tungkol sa dalawang batang magkapatid na nawawala. Yun pa lang ang alam ko."
Ngayong Christmas holidays ay maluwag ang schedule ni Angelika dahil wala siyang ongoing show na tine-tape.
"Kakatapos lang po ng Futbolilits. 'Tapos, nag-guest ako sa pilot week ng Kokak," pag-inform pa ng magandang aktres.
ON KONTRABIDA ROLES. Sa Biritera ay kontrabida uli ang magiging papel ni Angelika. Okay lang daw ito sa aktres.
"Oo, mas gusto kong manampal, kaysa ako'ng sinasampal! Masakit [masampal], e!" kuwelang banggit pa ng natatawang aktres.
"Okay lang. Yung last kong ginawa, Futbolilits [2011], at Dwarfina [2010], kontrabida ako, e.




0

