Zanjoe Marudo laughs off talks linking him to Piolo Pascual; answers speculations about gilfriend Bea Alonzo's gender

Rey Pumaloy
Tuesday, December 06, 2011 @ 09:30PM  |  160272 views

 

Zanjoe Marudo on rumors linking him to Piolo Pascual: "Hindi naman talaga ako na-link! Kaibigan ko si PJ [palayaw ni Piolo] kasi naging magkapatid kami sa isang show. Hindi mo maaalis na kahit paano may pinagsamahan talaga kami. Mga nakakatrabaho ko, ganun."

 

Zanjoe on lesbian rumors about his girlfriend Bea Alonzo: "Ako na lang po ang tanungin ninyo tungkol sa gender ko!"

Photo By: Noel Orsal













Tatlong horror films na ang nagagawa ni Zanjoe Marudo sa kanyang showbiz career.

Pero ang "Tamawo" episode ng Shake, Rattle & Roll 13 daw ang pinakaseryoso niyang pagganap sa isang katatakutang pelikula.

Ang Shake, Rattle & Roll 13 ay entry ng Regal Entertainment sa Metro Manila Film Festival 2011, na magsisimula sa December 25.

Paglalarawan ni Zanjoe sa kanyang role: "Isang tatay, isang asawa sa isang pamilya na nabubuhay na normal na medyo nahihirapan.

"Paano ko bubuhayin ang pamilya ko na mahirap. Paano ko iaahon na maraming problema."

Medyo matamlay si Zanjoe nang maganap ang interview sa presscon ng Shake, Rattle & Roll 13, na ginanap sa mezzanine ng Imperial Palace Suites ni Mother Lily noong December 5.

Paliwanag ng aktor, "Kakagising ko lang kasi. Napuyat ako sa Pacquiao tournament. 

"E, ginawa pa yun sa Fontana, Pampanga.

"Ang layo. Madaling-araw na akong nakauwi."

LOVE FOR BEA ALONZO. Nang kumustahin kay Zanjoe ang kasintahan niyang si Bea Alonzo, nakangiti namang sinabi ng aktor na paganda nang paganda ang kanilang relasyon.

Katunayan, ngayong bakasyon ay pupunta raw sila sa New York.

"Magki-Christmas kami siyempre dito sa Manila.

"Pupunta siya sa pamilya niya, pupunta ako sa pamilya ko. 

"And then, sa December 25, aalis kami. Pupunta kami ng New York," pagbabalita ng aktor.

Dagdag pa niya, "Pupunta kami doon para ma-experience namin yung Times Square [countdown to New Year] sa New York City.

1  2  3  4  5  6  7  8  Next »

Related Articles

39 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name