Tatlong horror films na ang nagagawa ni Zanjoe Marudo sa kanyang showbiz career.
Pero ang "Tamawo" episode ng Shake, Rattle & Roll 13 daw ang pinakaseryoso niyang pagganap sa isang katatakutang pelikula.
Ang Shake, Rattle & Roll 13 ay entry ng Regal Entertainment sa Metro Manila Film Festival 2011, na magsisimula sa December 25.
Paglalarawan ni Zanjoe sa kanyang role: "Isang tatay, isang asawa sa isang pamilya na nabubuhay na normal na medyo nahihirapan.
"Paano ko bubuhayin ang pamilya ko na mahirap. Paano ko iaahon na maraming problema."
Medyo matamlay si Zanjoe nang maganap ang interview sa presscon ng Shake, Rattle & Roll 13, na ginanap sa mezzanine ng Imperial Palace Suites ni Mother Lily noong December 5.
Paliwanag ng aktor, "Kakagising ko lang kasi. Napuyat ako sa Pacquiao tournament.
"E, ginawa pa yun sa Fontana, Pampanga.
"Ang layo. Madaling-araw na akong nakauwi."
LOVE FOR BEA ALONZO. Nang kumustahin kay Zanjoe ang kasintahan niyang si Bea Alonzo, nakangiti namang sinabi ng aktor na paganda nang paganda ang kanilang relasyon.
Katunayan, ngayong bakasyon ay pupunta raw sila sa New York.
"Magki-Christmas kami siyempre dito sa Manila.
"Pupunta siya sa pamilya niya, pupunta ako sa pamilya ko.
"And then, sa December 25, aalis kami. Pupunta kami ng New York," pagbabalita ng aktor.
Dagdag pa niya, "Pupunta kami doon para ma-experience namin yung Times Square [countdown to New Year] sa New York City.
"Nandun rin kasi ang pamilya ko...Tatay ko, mga kapatid ko, nandun sila sa New Jersey.
"So, dadalawin namin," pagbibigay detalye niya sa pupuntahang lugar.
Hindi raw first time na makikilala ni Bea ang pamilya ni Zanjoe sa U.S.
"Na-meet na niya yung tatay ko, yung mga kapatid ko dati pa, nung nagkatrabaho kami doon [sa States]," banggit niya.
TWO WEEKS TOGETHER. Dalawang linggo raw magliliwaliw sa New York sina Zanjoe at Bea.
"Gumagawa na kami ng mga itinerary namin.
"Siguro, [uubusin] namin yung time namin sa panonood ng mga Broadway shows.
"Yung mga hindi pa namin napanood dati.
"Saka malamig kasi. Hindi pa ako nakakapunta ng New York ng Pasko or holiday season.
"Marami kaming gustong gawin, sana.
"Pero dahil sa weather, baka...depende na kung ano ang kaya naming gawin.
"Kung kakayanin namin ang lamig at gusto naming lumabas-labas, o mag-ikut-ikot."
Dugtong pa ni Zanjoe, silang dalawa lang daw ni Bea ang aalis at wala silang mga kasamang alalay at handlers.
"Ito talaga ang masasabi kong tour namin as a couple, magpa-Pasko kami.
"I-spend namin ang holiday sa isang lugar.
"Pero, marami kaming imi-meet na friends, like sina Roselle [Nava], Tita Mariole [Alberto of Star Magic]. Makikita namin sila doon.
"Manonood kami ng Broadway. Yung family ko nga, makikita rin namin."
WHO'S SPENDING FOR THE TRIP? Tumanggi si Zanjoe sabihin kung siya ang magbabayad ng trip nilang ito ni Bea sa New York.
May balita kasing lumabas na nung nagpunta sila ng aktres sa Korea, nagkanya-kanya sila ng bayad.
"Huwag na nating pag-usapan kung sino ang gumagastos, o hindi," iwas niya.
Samantala, wala pa raw siyang naiisip na regalo kay Bea ngayong Pasko.
Ani Zanjoe, "Gusto ko nga pag-usapan namin kung ano ang gusto ko at ano ang gusto niya.
"Pero sana, huwag na yung malalaking bagay.
"Unang-una, yung holiday namin, maganda na, e.
"Regalo na namin sa aming dalawa na magkasama kami sa ibang bansa.
"Sana pag-isipan namin yung, 'Ano ba ang kailangan mo? Ano bang kailangan ko?'"
MORE OPEN. Nagpaliwanag si Zanjoe kung bakit mas bukas siya ngayon sa kanyang lovelife.
Saad niya, "Siguro, ito na ang panahong...alam mo yun?
"Unti-unti na akong nagiging kumportable na pinag-uusapan yung personal na buhay, habang tumatagal.
"Limang taon na rin ako dito [sa showbiz], kaya unti-unti kong natututunan kung paano ako makikisama.
"At kung paano ako magsi-share ng ilang parte ng nangyayari sa buhay ko.
"Siyempre, hindi naman mawawala yung laki ng pagmamahal ko kay Bea."
Ano ba meron kay Bea at ipinagmamalaki niya ang pakikipagrelasyon sa aktres?
"Wala naman siguro akong dapat itago. O hindi ika-proud sa isang babaeng gaya ni Bea.
"Ilabas na natin yung physically na maganda siya.
"Kasi nakilala ko siya, yung ugali. Saka yung pinagdaanan niya sa buhay.
"Nakaka-inspire at nakaka-proud ako na mero'n akong minamahal na gano'ng klaseng babae.
"Na maraming pinagdaanan sa buhay at ngayon nakaka-survive sa buhay dahil nasa tamang direksiyon.
"Ang sarap magkaroon ng kasama na gano'ng klaseng tao."
WEDDING BELLS? Wala pa raw sa hinagap ni Zanjoe ang mag-isip tungkol sa posibilidad ng pagpapakasal nila ni Bea.
"Masyado pang bata si Bea.
"Matangkad lang siya, pero bata pa yun!" biro pa ni Zanjoe.
Twenty-four years old si Bea, samantalng 29 naman si Zanjoe.
Dagdag niya, "Nakakahiya naman kung magku-comment ako ng gano'n.
"Kasi siyempre, baka mabigla naman yun, or magulat siya tungkol sa gano'n.
"Baka matakot naman yun."
Walong buwan na raw silang magkasintahan ni Bea, pero hanggang ngayon ay patuloy pa raw na kinikilala ni Zanjoe ang kasintahan.
Aniya, "Alam ninyo, kahit siguro mag-asawa kami, or maging lolo't lola na kami, kahit paano, pag magsasama kayo sa [iisang] bubong, marami ka pa ring madi-discover na maganda at hindi maganda.
"Walang katapusan yun, e.
"Saka magpapatibay naman siguro yung respeto mo sa tao.
"Yung paano mo iba-value yung relasyon ninyong dalawa.
"Hindi naman masama yung pangit or maganda mong ugali."
BEA'S PAST? Matatanggap ba niya kung anuman ang pinagdaanan ni Bea?
"Siyempre, pag mahal mo ang isang tao, lahat tatanggapin mo," sagot ni Zanjoe.
"Kung mahal mo ang isang tao, bina-value mo ang isang relationship, di ba?
"Minsan nagkakaaway kayo pag may pagkakamali.
"Hindi naman dahil magsu-sorry ka dahil mali ka lagi, or ano ka lagi... [kundi] dahil bina-value mo yung relationship ninyo.
"Hindi naman nawawala yung tampuhan, nandun yun.
"Ang tampuhan namin more on maliliit na bagay.
"Minsan mabilis kaming magkapikunan. Pero, walang kakuwenta-kuwenta lang yun.
"Dahil, siyempre, mahilig akong mang-asar."
Pero ayon kay Zanjoe, wala raw siyang alam sa "nakaraan" ni Bea.
"Hindi ko inaalam. Wala akong alam," sabi niya.
"Hindi naman kailangang i-share niya sa akin yung nakaraan niya.
"Ako rin naman, hindi na kailangang i-share ko pa sa kanya ang nakaraan ko."
Patuloy na paliwanag ni Zanjoe, hindi na importante sa kanya kung ano ang paniniwalaan niya sa mga nakaraan ni Bea.
"Unang-una, hindi na importante sa akin yung topic, o yung nangyari.
"Kahit ano pang sabihin niya, kahit totoo man o hindi.
"Anuman ang narinig ko, totoo man o hindi."
THE "REAL" BEA? Umiwas nang magbigay ng kanyang opinyon si Zanjoe tungkol sa matagal nang usap-usapan tungkol umano sa "gender" ni Bea.
May mga sitsit kasi noon sa young actress na nali-link siya sa mga pinaghihinalaang mga tomboy sa showbiz.
Natawa si Zanjoe sa narinig.
"Ako na lang po ang tanungin ninyo tungkol sa gender ko!" birong sambit ng aktor.
Dugtong pa niya, "Huwag na pong ibang tao ang anuhin ninyo. Ako na lang po."
PIOLO IS... Hindi rin nakaligtas si Zanjoe sa tanong ukol sa hiwalayan nina Piolo Pascual at KC Concepcion.
Kaibigang matalik kasi ni Zanjoe si Piolo.
Ayon kay Zanjoe, "Normal lang yung nangyari sa kanila.
"Normal lang yun sa mga taong nagmamahalan, di ba?
"Normal sa isang couple na maghiwalay.
"Normal lang naman yung nasasaktan.
"Hindi ko kasi alam ang dahilan at hindi ko na rin inaalam.
"Hindi ko na rin sila nakikita, nakakausap."
Hindi raw masyadong naapektuhan si Zanjoe kahit parehas niyang kaibigan sina Piolo at KC dahil nagkasama sila sa teleseryeng Lovers in Paris (2009).
"Hindi naman ako apektado kasi nga maaga pa 'yan, e.
"Malay mo...magkabalikan pa. Hindi natin masabi."
Hindi itinanggi ni Zanjoe na naging makulit siya minsan kay Piolo nang hindi nito sinasagot ang kanyang mga text messages.
"Minsan, deadma yun pag may tinatanong ka, e. Busy yung tao," sabi niya.
Wala raw nararamdamang pagkapikon si Zanjoe sa tsismis tungkol sa kanila ni Piolo.
"Hindi naman talaga ako na-link!" bulalas niya.
"Kaibigan ko si PJ [palayaw ni Piolo] kasi naging magkapatid kami sa isang show.
"Hindi mo maalis na kahit paano, may pinagsamahan talaga kami. Mga nakakatrabaho ko, ganun."
Lalong natawa si Zanjoe sa tanong sa kanya ng press kung dapat bang pagdudahan ang gender ni Piolo bilang isang kaibigan na nakakikilala sa aktor.
Aniya, "Marami namang higit na nakakakila sa kanya kaysa sa akin.
"Ako, nakatrabaho ko lang si PJ. Kasamahan ko sa industriya."
