Angel Locsin on status of relationship with football player Phil Younghusband: "Ngayon, hindi lang namin napag-uusapan pa...parang ganun. Pero more than that ay wala namang masama sa ganun kung dun kami nagwo-work. Marami ngang magkasama diyan na kasal na, di masaya. Pero kami, masaya. Di lang siguro maintindihan ng karamihan, pero okey naman sa amin yun."

Photo: Sany Chua

Magiging bahagi na ng Toda Max si Angel Locsin.

Kasama na rin siya sa mga magbibigay-aliw at kasiyahan sa comedy show na ito ng ABS-CBN na tinatampukan nina Robin Padilla at Vhong Navarro.

Excited at masaya si Angel dahil muli silang magkakasama ni Robin.

Una silang nagkasama sa huling teleserye ni Angel sa GMA-7, ang Asian Treasures, noong 2007.

Sa pakikipag-usap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press kay Angel kahapon, December 6, ay kinumusta sa kanya ang working relationship nila ngayon ng tinaguriang Bad Boy of Philippine Movies.

Saad ni Angel, "Nagulat ako... I mean, nanibago ako.

"Si Kuya Robin kasi yung...kulang na lang ay bitbitin ang sarili kong upuan para ipaupo sa akin.

"Sobrang pampered ako sa kanya. Pati si Vhong ay naimpluwensiyahan na rin niya.

"Marami ang nakakapagpatunay niyan sa mga naging leading lady niya [Robin] sa kanyang alaga."

Pinuri rin ng aktres ang isa pa niyang katrabaho sa show na si Vhong.

First time niyang makatrabaho ang comedian-dancer, pero positibo na raw agad ang kanilang naging samahan.   

Ani Angel, "Napakagaling na komedyante.

"Kahit hindi nagro-roll ang camera ay napakagaling niya talaga. Nakakatuwa talaga siya.

"First time pa lang kami magka-work together, pero parang napakatagal na.

"Masaya...masaya."