Magiging bahagi na ng Toda Max si Angel Locsin.
Kasama na rin siya sa mga magbibigay-aliw at kasiyahan sa comedy show na ito ng ABS-CBN na tinatampukan nina Robin Padilla at Vhong Navarro.
Excited at masaya si Angel dahil muli silang magkakasama ni Robin.
Una silang nagkasama sa huling teleserye ni Angel sa GMA-7, ang Asian Treasures, noong 2007.
Sa pakikipag-usap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press kay Angel kahapon, December 6, ay kinumusta sa kanya ang working relationship nila ngayon ng tinaguriang Bad Boy of Philippine Movies.
Saad ni Angel, "Nagulat ako... I mean, nanibago ako.
"Si Kuya Robin kasi yung...kulang na lang ay bitbitin ang sarili kong upuan para ipaupo sa akin.
"Sobrang pampered ako sa kanya. Pati si Vhong ay naimpluwensiyahan na rin niya.
"Marami ang nakakapagpatunay niyan sa mga naging leading lady niya [Robin] sa kanyang alaga."
Pinuri rin ng aktres ang isa pa niyang katrabaho sa show na si Vhong.
First time niyang makatrabaho ang comedian-dancer, pero positibo na raw agad ang kanilang naging samahan.
Ani Angel, "Napakagaling na komedyante.
"Kahit hindi nagro-roll ang camera ay napakagaling niya talaga. Nakakatuwa talaga siya.
"First time pa lang kami magka-work together, pero parang napakatagal na.
"Masaya...masaya."
PHIL YOUNGHUSBAND. Pagdating naman sa kanyang lovelife, hindi ipinagkakaila ni Angel na masaya siya ngayon.
Tanggap niya na isa sa nagpapaligaya sa kanya ay walang iba kundi ang kanyang rumored boyfriend na si Phil Younghusband.
"Oo naman, kasama si Phil sa nagpapasaya sa akin," sambit ng Kapamilya actress.
"Maraming factors din...pamilya ko, ganyan.
"Pero yung nagbibigay kilig, yung may kilig, yung may happiness...
"Parang ano, e, hindi namin ini-expect.
"Kung ano ang nangyayari sa amin ngayon ay okey, sobrang okey at masaya kaming pareho.
"Maraming bagay pa po..."
Dagdag pa niya, "Feeling ko, I'm very blessed.
"This year po ay maraming magandang dumating sa buhay ko.
"Thankful po ako sa mga nangyayari sa buhay ko."
HARD TO EXPLAIN. For the record, kailan ba sila naging mag-on ni Phil?
"Di pa namin napag-uusapan, e," sagot ni Angel.
"Mahirap i-explain, e...
"Parang kami ni Phil, pumasok siya sa buhay ko yung time na ayoko ng commitment at relationship. Ayoko ng ganun.
"Tapos, hindi kami pareho ng gusto.
"So, ngayon, hindi lang namin napag-uusapan pa...parang ganun.
"Pero more than that ay wala namang masama sa ganun kung dun kami nagwo-work.
"Marami ngang magkasama diyan na kasal na, di masaya. Pero kami, masaya.
"Di lang siguro maintindihan ng karamihan, pero okey naman sa amin yun."