Sabay na nag-guest nang live sina Sarah Geronimo at Gerald Anderson sa The Buzz noong Linggo, December 4.
Ito ay para personal silang makapagpasalamat sa lahat ng mga nanood ng kanilang ikalawang pelikula, ang Won't Last A Day Without You ng Star Cinema at Viva Films.
Inanunsiyo ni Toni Gonzaga sa programa na kumita na raw ang pelikula nina Sarah at Gerald ng P50 million sa loob lamang ng apat na araw ng pagpapalabas nito sa mga sinehan.
Sabi naman ni Sarah tungkol sa tagumpay ng kanilang pelikula: "Sobrang happy. Sobrang overwhelming talaga itong nangyayaring ito."
Hindi ikinaila ni Sarah noong nagpo-promote pa lang sila ng pelikula na matindi ang pressure sa kanya dahil sa magkakasunod na tagumpay sa takilya ng mga pelikulang co-produced ng Star Cinema at Viva Films—ang No Other Woman at Praybeyt Benjamin.
Pero ngayon, ipinapahiwatig ng anunsiyo sa The Buzz na mauungusan pa ng Won't Last A Day Without You ang kinita ng unang pelikula nina Sarah at Gerald na Catch Me I'm In Love.
"Mabait si Papa God," nakangiting sambit ni Gerald tungkol dito.
FAST-TALK INTERVIEW. Sumunod dito ay sinimulan na ni Toni ang "fast-talk interview" niya kina Sarah at Gerald kunsaan mabilisan nilang sasagutin ang mga katanungan sa kanila.
Narito ang kanilang naging usapan:
Toni: "Gerald, kung hahalikan mo si Sarah, saan bahagi ng katawan niya mo siya hahalikan?"
Gerald: "Sa lips!"
Toni: "Oh, my god! Why naman sa lips? Mommy Divine [Geronimo, Sarah's mom], I'm very sorry for that."
Gerald: "Maganda po kasi ang lips niya."
Toni: "Sa lips ha...agad-agad, walang pakundangan."
Toni: "Sarah, kung isang ulam si Gerald, anong ulam siya?




0

