PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dennis Trillo on status of relationship with Bianca King: "Extremely close lang. Lumalabas palagi. Para lang maiba, di ba?"

Dennis Trillo admits exclusively dating Bianca King, his former leading lady.
by Rose Garcia
Published Dec 7, 2011
Dennis Trillo on biggest lesson he learned from his past relationships: "Sa lovelife, siguro mag-ingat lang sa susunod. At sa tingin ko, mas maging conscious. Mas maging tahimik na lang. Bilang artista, marami rin ginagawang iba, tulad ng ibang proyekto. Ayoko na pag-usapan palagi yung tungkol lang sa lovelife."

Bagamat ilang araw na lang at Pasko na, hindi pa raw alam ni Dennis Trillo kung ano ang plano niya o kung paano niya ipagdiriwang ito.

Saad niya, "This Christmas, medyo magulo pa, kasi maraming gagawin, lalo na ang pagpu-promote ng pelikula this filmfest.

"Pero every Christmas, importante na saan man kami magpunta, anuman ang gawin namin, basta magkakasama kaming buong pamilya.

"Basically, bisita sa mga relatives, mother side and father side."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dennis sa presscon ng Yesterday Today Tomorrow kagabi, December 6, sa Imperial Palace Suites.

Ayon pa sa aktor, nakakasama rin naman niya ang anak nila ng dating kasintahan na si Carlene Aguilar, si Calix Andreas, lalo na sa mga espesyal na okasyon tulad ng Kapaskuhan.

Aniya, "Madalas hati kami. Sa umaga kay Carlene, bandang hapon hanggang gabi naman sa akin.

"Every special occasion, ganoon talaga."

LOOKING BACK. Ngayong malapit nang magtapos ang taon, tinanong ng PEP si Dennis kung paano niya ilalarawan ang taong 2011 para sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad niya, "2011, ang daming nangyari—maganda at hindi masyadong maganda.

"Pero yun nga, katulad ng sinabi ko kanina, ang importante sa buhay, yung journey mo habang tinatahak mo ang daan mo sa destinasyon.

"Pero blessed pa rin, matatapos ang taon na nagkaroon ako ng pelikula na kasama ang isang higanteng cast.

"At masaya rin na natapos na rin lahat.

"Hindi ko alam kung unos na dumating, pero ang importante do'n, meron tayong napulot na aral at hindi na mangyari yun, at makatulong sa atin bilang isang tao."

Isa sa pinakamalaking kontrobersiyang hinarap ni Dennis ngayong taon ay ang breakup nila ni Jennylyn Mercado.

Matatandaang Marso ng taong kasalukuyan ay pumutok ang balitang hiwalay na ang dalawa.

Ngunit ang mas kuwento roon ay kung gaano kasalimuot ang naging paghihiwalay nina Dennis at Jennylyn. Inakusahan ng actress-singer ang aktor ng pananakit ng pisikal nang nagpa-interbyu siya sa YES! Magazine.

Ano ang maituturing na biggest lesson ni Dennis pagdating sa lovelife?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sa lovelife, siguro mag-ingat lang sa susunod," sagot niya.

"At sa tingin ko, mas maging conscious. Mas maging tahimik na lang.

"Bilang artista, marami rin ginagawang iba tulad ng ibang proyekto.

"Ayoko na pag-usapan palagi yung tungkol lang sa lovelife."

Dagdag pa ni Dennis, "Siguro sa susunod, mas pipiliin ko na mas maging ganoon na lang din.

"Para mas masaya, mas tahimik, mas walang gulo."

PEACEFUL HEART. Kumusta na ang lagay ng puso niya ngayon?

Nakangiting sabi ni Dennis, "Tahimik naman din. Peaceful na.

"Masaya dahil marami akong oras sa pamilya ko at mga kaibigan, kamag-anak."

Wala bang magpapainit ng kanyang Pasko ngayong taon?

"Well, nandiyan ang pamilya ko para mayakap ko at batiin ako," nangingiting sabi ng Kapuso actor.

Meron din bang yayakap sa kanya na may malisya?

"Well, yung mga bagay na 'yan, hindi ko minamadali.

"Ayokong ano ulit, maranasan yung mga pagkakamali ko noon. Iniingatan ko lang.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"So, hindi ko mamadaliin, dahan-dahan lang!" natatawang sabi ni Dennis.

Pero handa na ba siyang umibig muli?

"Ang ma-in love, walang problema diyan sa pagiging in-love.

"Yung pagko-commit mo sa isang relasyon, sa isang seryosong relasyon, yun muna ang iniiwasan ko.

"Sa tingin ko, pahinga muna ako sa aspetong yun," sagot niya.

BIANCA KING. Bagamat matagal nang tapos ang afternoon soap na Sinner Or Saint, patuloy pa ring nali-link si Dennis sa naging leading lady niya rito na si Bianca King.

Kumusta na nga ba sila ngayong tapos na ang dramaserye nila?

Ayon kay Dennis, "Lumalabas pa rin kaming madalas.

"We're really close, pero pareho kaming pribadong tao."

Ito na ba ang sinasabin niyang "private lovelife"?

"Wala namang lovelife," nakangiti niyang sabi.

"Sobrang close lang talaga namin sa isa't isa.

"Masaya kami na tahimik lang, di ba?"

Sinabi niyang lumalabas pa rin sila ni Bianca. Ibig sabihin ba nito ay "exclusively dating" na sila?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Parang ganoon na nga," pag-amin ni Dennis.

Sinang-ayunan naman ni Dennis ang obserbasyon na napapanatili nilang tahimik at hindi masyadong nauurirat ng press ang kung anumang meron silang dalawa ni Bianca.

"Sa ngayon, tahimik lang. Wala namang gulo. Walang ingay.

"Mas pinili namin yung ganoon para walang problema," sabi pa ni Dennis.

Paano niya ilalarawan ang meron sila ni Bianca?

"Extremely close lang. Lumalabas palagi. Para lang maiba, di ba?" natatawang sabi ng mahusay na aktor.

Itinanggi naman ni Dennis na madali siyang mahulog sa mga nagiging leading ladies niya.

Katuwiran niya, "Nagkakataon lang siguro.

"Wala pa naman, e. Magkaibigan lang kami no'ng tao."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dennis Trillo on biggest lesson he learned from his past relationships: "Sa lovelife, siguro mag-ingat lang sa susunod. At sa tingin ko, mas maging conscious. Mas maging tahimik na lang. Bilang artista, marami rin ginagawang iba, tulad ng ibang proyekto. Ayoko na pag-usapan palagi yung tungkol lang sa lovelife."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results