Jericho Rosales on Lovi Poe's crush on him: "Wala, sinasabi ko nga sa kanya na...niloloko ko siya palagi na, 'Kasi ikaw, kung anu-ano ang mga sinasabi mo. Nakakatawa na kasi minsan, magkadikit na kami, tapos tinatanong kami sa isa't isa. But more than that, I think blessed ako na nakilala ko siya at nakasama ko siya sa trabaho and I wanna work with her again. Dedicated siya and magaling siya."

Photo: Noel Orsal

Wala pa raw plano si Jericho Rosales ngayong Kapaskuhan. Kahit daw New Year's resolution ay hindi pa rin niya naiisip.

Pero malamang daw, nandito lang siya sa bansa dahil may pelikula siyang kasali sa Metro Manila Film Festival 2011—ang Yesterday Today Tomorrow ng Regal Entertainment.

Bukod pa rito, may concert din daw siya sa December 23.

"I think, I'm gonna use my time also to be with my family," sabi pa ni Jericho nang tanungin kung ano ang plano niya ngayong Kapaskuhan.

Nakausap ng PEP.ph ang Kapamilya actor sa presscon ng Yesterday Today Tomorrow kagabi, December 6, sa Imperial Palace Suites, Tomas Morato, Quezon City.

Dahil Yesterday Today Tomorrow ang title ng pelikula nila, natanong si Jericho kung may regrets ba siya sa buhay na dala-dala pa rin niya hanggang ngayon.

Ayon sa aktor, "I'm not sure actually, ang dami na ring bad memories na nangyari.

"But these are the things na automatic yung utak ko na kinakalimutan ko na agad.

"Hindi ako nagtatanim, e.

"Let's say one guesting na nagkamali ako, ganoon lang. Ganoon kalaki ang leveling. 

"Halimbawa, sumablay ako sa Showtime, or comments ko, or whatever, dinidibdib ko yun.

"I mean, I make it a point that at the end of the day, kalimutan mo na.

"Ganoon ako ka-intense, e. 

"So, hindi ko talaga inaalala yung mga ganoon.

"Whatever it is, kung anuman ako ngayon, kung ano ako yesterday."