Wala pa raw plano si Jericho Rosales ngayong Kapaskuhan. Kahit daw New Year's resolution ay hindi pa rin niya naiisip.
Pero malamang daw, nandito lang siya sa bansa dahil may pelikula siyang kasali sa Metro Manila Film Festival 2011—ang Yesterday Today Tomorrow ng Regal Entertainment.
Bukod pa rito, may concert din daw siya sa December 23.
"I think, I'm gonna use my time also to be with my family," sabi pa ni Jericho nang tanungin kung ano ang plano niya ngayong Kapaskuhan.
Nakausap ng PEP.ph ang Kapamilya actor sa presscon ng Yesterday Today Tomorrow kagabi, December 6, sa Imperial Palace Suites, Tomas Morato, Quezon City.
Dahil Yesterday Today Tomorrow ang title ng pelikula nila, natanong si Jericho kung may regrets ba siya sa buhay na dala-dala pa rin niya hanggang ngayon.
Ayon sa aktor, "I'm not sure actually, ang dami na ring bad memories na nangyari.
"But these are the things na automatic yung utak ko na kinakalimutan ko na agad.
"Hindi ako nagtatanim, e.
"Let's say one guesting na nagkamali ako, ganoon lang. Ganoon kalaki ang leveling.
"Halimbawa, sumablay ako sa Showtime, or comments ko, or whatever, dinidibdib ko yun.
"I mean, I make it a point that at the end of the day, kalimutan mo na.
"Ganoon ako ka-intense, e.
"So, hindi ko talaga inaalala yung mga ganoon.
"Whatever it is, kung anuman ako ngayon, kung ano ako yesterday."
Dugtong pa niya, "If you cried, why would you remember why you cried?
"There are certain memories na talagang napaiyak ako, pero it's not something that I would like to share."
LOVI POE. Naging very open ang leading lady ni Jericho sa Yesterday Today Tomorrow na si Lovi Poe sa pagsasabing crush niya ito bago pa man pumasok sa showbiz ang young actress.
Natatawang sabi naman ni Jericho tungkol dito: "Ewan ko ba dito kay Lovi!"
Pero ano ang pakiramdam na very open si Lovi sa pagsasabing crush siya nito?
Sagot ng aktor, "Wala, sinasabi ko nga sa kanya na...niloloko ko siya palagi na, 'Kasi ikaw, kung anu-ano ang mga sinasabi mo.'
"Nakakatawa na kasi minsan, magkadikit na kami, tapos tinatanong kami sa isa't isa.
"But more than that, I think blessed ako na nakilala ko siya at nakasama ko siya sa trabaho and I wanna work with her again.
"Dedicated siya and magaling siya."
Tinanong din ng PEP si Jericho kung aware ba siya na personal siyang ni-request ni Lovi para makapareha sa pelikulang ito.
"Well, sabi niya. And thank you very much, Lovi Poe.
"Kung hindi dahil sa 'yo, hindi ako makakasama sa pelikulang ito.
"Alam mo 'yan. Alam mo 'yan!" tila nagbibirong sabi ng aktor.
Bagamat mag-asawa ang papel nila sa pelikula, karamihan ng mga eksena nina Jericho at Lovi ay drama. Wala raw silang love scene o bed scene dito.
May panghihinayang ba sa parte ni Jericho na wala silang love scene ni Lovi?
Aniya, "Hindi, hindi...
"Kasi, kung may love scene pa kami ni Lovi, magiging isang malaking love scene na ang pelikula namin. Parang ganoon.
"I'm just glad na hindi na kinailangan pa ng ganoon sa part namin ni Lovi."
WORKING WITH KAPUSO STARS. Dahil sa Yesterday Today Tomorrow, nagkaroon ng pagkakataon si Jericho na makatrabaho ang ilang Kapuso stars gaya nina Lovi, Carla Abellana, at Dennis Trillo.
Hindi pa man namin natatapos ang tanong kung kumusta ang pakikipagtrabaho niya sa Kapuso stars, mabilis na agad sumagot si Echo ng: "Yes, and I love it! I love it!"
Dagdag pa niya, "Nagkausap nga kami ni Dennis, and he said na sana, magkatrabaho kami one day. Ako rin, e."
Ito rin ang unang pagkakataon na nakatrabaho ni Jericho ang Diamond Star na si Maricel Soriano.
Saad niya, "I love Ms. Maricel Soriano and we had fun on the set.
"Yun lang, yun lang ang masasabi ko.
"And I'm excited to watch the movie dahil hindi rin kami nagkita sa set nang madalas.
"So, parang kahit ako, magiging spectator ng movie."
ECHO'S LOVELIFE. Nang madako naman ang usapan tungkol sa lovelife, tila nais ng aktor na maging pribado muna ito.
Nang kumustahin ang kanyang puso, nakangiting sumagot si Jericho ng: "Mabuting-mabuti po."
