Sarah Lahbati recalls first kissing scene in Kokak

Elli Alipio
Wednesday, December 07, 2011 @ 03:43PM  |  9192 views

"Ano nga po, e, medyo naiilang ako, pero thankful ako, kasi si TJ pag nakikita niyang naiilang, parang kinakausap niya. Parang para maging kumportable yung tao, maging kumportable ako, so natutuwa ako na may malasakit siya sa co-actors niya po," says Sarah Lahbati about her first kissing scene with Kokak leading man TJ Trinidad.

Photo By: Noel Orsal













Binisita ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang taping ng afternoon soap ng GMA-7 na Kokak kahapon, December 6, sa Il Terrazo, Tomas Morato, Quezon City.

Dito ay nakausap namin ang bida ng serye na si Sarah Lahbati, na gumaganap bilang si Kara.

Mag-iisang buwan nang umeere ang Kokak, pero hanggang ngayon daw ay nararamdaman pa rin ng StarStruck V female survivor ang pressure ng pagbibida sa isang serye.

Paliwanag ni Sarah, "Siyempre po, kasi, di ba, 'O, ito, ikaw na si Kokak ha, ayusin mo...'

"Yung mga ganyang mga comments, na parang kinakabahan talaga ako pag naririnig ko.

"Parang hindi ko maiwasang ma-pressure talaga, tapos minsan hindi na 'ko nakakatulog. Yun lang yung nasa isip ko.

"Pero ano, pressure is a good thing for me. I work well under pressure."

Sa palagay ba niya'y ang Kokak ang right project para sa kanya bilang launching vehicle?

"Of course," mabilis niyang sagot.

"Uhm... I'm really grateful na ito yung binigay sa 'kin, na hindi ko talaga ma-imagine na ito yung mapupunta sa 'kin.

"Kasi, unang-una hate na hate ko yung frogs.

"Pero ano, sobrang nakakatawa lang na, yun yung nagkataong napunta sa 'kin!

"Pero at the same time, wala akong ibang mahihiling, wala na akong reklamo.

"Kumbaga, sobra akong grateful.

"Dahil ang dami ko natutunan sa role na ito and uhm...ang daming comments every day na parang nakaka-overwhelm."

1  2  3  Next »

Related Articles

18 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name