Binisita ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang taping ng afternoon soap ng GMA-7 na Kokak kahapon, December 6, sa Il Terrazo, Tomas Morato, Quezon City.
Dito ay nakausap namin ang bida ng serye na si Sarah Lahbati, na gumaganap bilang si Kara.
Mag-iisang buwan nang umeere ang Kokak, pero hanggang ngayon daw ay nararamdaman pa rin ng StarStruck V female survivor ang pressure ng pagbibida sa isang serye.
Paliwanag ni Sarah, "Siyempre po, kasi, di ba, 'O, ito, ikaw na si Kokak ha, ayusin mo...'
"Yung mga ganyang mga comments, na parang kinakabahan talaga ako pag naririnig ko.
"Parang hindi ko maiwasang ma-pressure talaga, tapos minsan hindi na 'ko nakakatulog. Yun lang yung nasa isip ko.
"Pero ano, pressure is a good thing for me. I work well under pressure."
Sa palagay ba niya'y ang Kokak ang right project para sa kanya bilang launching vehicle?
"Of course," mabilis niyang sagot.
"Uhm... I'm really grateful na ito yung binigay sa 'kin, na hindi ko talaga ma-imagine na ito yung mapupunta sa 'kin.
"Kasi, unang-una hate na hate ko yung frogs.
"Pero ano, sobrang nakakatawa lang na, yun yung nagkataong napunta sa 'kin!
"Pero at the same time, wala akong ibang mahihiling, wala na akong reklamo.
"Kumbaga, sobra akong grateful.
"Dahil ang dami ko natutunan sa role na ito and uhm...ang daming comments every day na parang nakaka-overwhelm."




CALLED OUT
ALL COMMENTS
18 rokr12
17 gorgeous_aleck
16 ison
15 ison
14 commentirador01
13 dreamer
12 dreamer
11 rokr12
10 hototguy
9 ehemm
8 MadamClaudia
7 AstroNut
6 AstroNut
5 tangerine_dream114
4 Lucifermin
3 dreamer
2 zama_jap
1 dreamer