Gabby Eigenmann on his first acting award: "Kumbaga, 'yan yung stamp, e, hindi lang sa pagiging artista kundi sa pagiging Eigenmann. Kasi halos lahat naman ng miyembro ng pamilya namin, ng angkan namin, ay nakatanggap na ng awards. Puro sila award-winning actors and actresses. Natuwa ako kasi mas naramdaman ko na I'm part of that circle. Award-winning na rin ako!"

Photo: Noel Orsal

Hanggang ngayon ay overwhelmed pa rin si Gabby Eigenmann sa kauna-unahang acting award na natanggap niya mula sa 8th Golden Screen TV Awards ng Entertainment Press Society (ENPRESS).

Nagwagi siya bilang Outstanding Supporting Actor in a Drama Series para sa Munting Heredera ng GMA-7.

Saad ni Gabby, "Actually, it's my first nomination also sa acting. Tapos mauuwi rin pala sa first acting award ko.

"Hanggang ngayon, nasa cloud nine pa rin ako.

"Happy pa rin ako, yung ngiti ko talaga, hanggang tenga kasi hindi ko talaga inaasahan.

"Very thankful ako sa Munting Heredera kasi itong proyektong ito, maraming nagsabi na hindi tatagal.

"May mga nagsasabing hindi magre-rate kasi wala raw kaming superstar sa cast, kahit na nga I believe na marami sa cast members ang superstars in their own right.

"Pero it turned to be na na-extend kami nang ilang beses.

"Tapos bawat character, na-nominate—si Kuya Dick [Roderick Paulate], si Tita Glo [Gloria Romero].

"Happy talaga ako sa award ko.

"Thank you sa GMA-7, sa manager ko si Perry Lansigan, and of course, sa Golden Screen at sa Enpress."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong December 1 si Gabby sa Christmas party for the press ng PPL Entertainment Inc., ang talent agency ni Perry Lansigan.

Kasama ni Gabby na dumalo sa party ang iba pang artists ng PPL: Dingdong Dantes, Jolina Magdangal, Angelika dela Cruz, Geoff Eigenmann, Carl Guevara, LJ Reyes, Rochelle Pangilinan, Arthur Solinap, Carlo Gonzales, Wilma Doesnt, at Wendell Ramos.

Ayon pa kay Gabby, sulit na sulit ang lahat ng pagod at hirap niya sa Munting Heredera.