Sarah Geronimo on handling her own earnings: "Hindi pa po ako nakikialam sa pera ko. Talagang ipinagkakatiwala ko muna po kay Mommy ang lahat. Pero soon, soon po, aayusin ko rin po talaga para maging hands-on din ako sa savings ko, sa sarili kong kinikita."

Photo: Noel Orsal

Sa presscon/mini-fashion show ni Sarah Geronimo para sa ini-endorse niyang Unica Hija kagabi, December 7, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang singer/actress kung maituturing niya ang kanyang sarili bilang modern-day Filipina.

Tugon ng Pop Princess, "I would like to think po na, yes, I'm a modern-day Filipina.

"Kasama na rin po kasi dun yung pagiging independent mo sa mga bagay-bagay at isa po yun sa gusto kong magawa.

"Gayundin po, being a strong woman."

Ang presscon ay ginanap sa Cerchio restaurant sa Sct. Limbaga, Quezon City.

Gusto raw isipin ni Sarah na habang tumatagal, mas lalo siyang nagiging matatag bilang isang babae. 

Pero natawa siya nang tanungin namin kung ang mga pinagdaanan ba niya pagdating sa usapin ng pag-ibig ay mas nagpatibay sa kanya.

Pero kinalaunan ay sumang-ayon din siya sa aming tinuran.

Aniya, "Opo. Siguro po. 

"Siyempre po, kapag may mga napagdaanan ka naman, na-experience, nagiging daan din po yun para mas maging strong pa."

Matatandaang noong huling bahagi ng nakaraang taon ay nabunyag ang naudlot na pag-iibigan nina Sarah at Rayver Cruz.

MONEY MATTERS. Natanong din si Sarah kung ngayon ba ay siya na ang humahawak ng kanyang pera o ang Mommy Divine pa rin niya.

"To be honest, hindi," pag-amin ng 23-year-old singer-actress.

"Hindi pa po ako nakikialam sa pera ko. 

"Talagang ipinagkakatiwala ko muna po kay Mommy ang lahat.